Pages

Monday, February 20, 2012

Banal, ipinagtanggol ng Malacanang

Tulad ng inaasahan ipinagtanggol ng malakanyang si quezon city 3rd district representative Jorge banal kaugnay sa paglapit nit okay psbank katipunan branch manager Annabelle tiongson para maidiin si supreme court chief justice renato corona.


Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail valte, nais lamang ni banal na makatulong sa prosecution laban sa punong mahistrado.

Sabi ni valte, nagsalita na rin si banal kahapon at bahala na ang mga senator-judges na husgahan ang kanyang naging aksiyon.

Sa impeachment court, inamin ni tiongson na nilapitan siya ni congressman banal at pinabe-verify ang signature cards ni corona na pinaniniwalaang nakuha umano sa iligal na paraan.

Batay naman sa paliwanag ni banal sa impeachment court, nakita niya ang naturang bank records sa kanyang mailbox sa kanilang bahay pero hindi niya agad ito ipinagbigay-alam sa prosecution sa halip ay nilapitan niya si tiongson. M Rigonan

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.