Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na
mabilis na matatapos ang impeachment trial kay Chief Justice Renato
Corona.
Iginiit ni CBCP Vice President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates
Villegas na mahalagang mapabilis ang proseso nang sa gayon ay
makakabalik na ang bansa sa normal na sitwasyon at matututukan na ang
mga mahihirap.
Naniniwala si Villegas na ang mga mahihirap ang mga tahimik na biktima
sa impeachment process dahil naaantala ang mga serbisyo ng gobyerno.
Tila naisasantabi rin umano ang mga problema sa kapaligiran, pabahay,
agrikultura at isyu ng pamamahagi ng lupa nang dahil sa impeachment
process.
Dahil duon, sinabi ni Villegas na ipinagdarasal nila na matatapos na ang
paglilitis sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matutukan na rin
sa lalong madaling panahon ang mga mahihirap. B. Gonzales
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.