Pages

Friday, October 5, 2012

Pnoy defends cybercrime law


IPINAGTANGGOL ni pangulong noynoy Aquino ang nilagdaan nyang kontrobersyal na cyber crime prevention law o ang RA 10175.

Sa ambush interview sa san Fernando city, pampanga, iginiit ni PNoy na wala syang nakikitang problema sa cybercrime law at hindi nya iaatras ang implementasyon nito sa kabila ng inaaning batikos sa mga netezins.

Sinabi ni pangulong Aquino na malaking tulong ang batas para mapaigting ang kampanya ng pamahalaan sa pagbaka sa mga cybercrime gayang cyber sex, hacking, identity theft at child pornography.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na wala syang magagawa kung gustong amyendahan ito ng Kongreso at Senado at kung idedeklara ng Korte Suprema na illegal o unconstitutional ang batas.
Ipinahayag pa ni PNoy na hindi niya maaaring upuan ang batas dahil posible daw siyang kasuhan ng impeachment. (Florante Rosales)

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.