DITO
SA KASO NI STEPHANIE NICOLE ELLA, NAPAPANSIN NYO BA NA HANGGANG NGAYON, WALA
PANG NAGSASABI KUNG ANONG URI NG BALA ANG TUMAMA SA ULO NG BATA? KUNG ANONG
KALIBRE AT ANONG BARIL ANG POSIBLENG PINANGGALINGAN?
SA
ATING PAGKAKA-ALAM, AYON SA REPORT NI VAL GONZALES, IDINAAN DAW ANG BANGKAY SA
PNP CRIME LABORATORY SA CAMP CRAME, PARA SA AUTOPSY, AT PARA MAKUHA NA RIN ANG
BALANG TUMIMO SA KANYANG UTAK…
PERO
SABI NI VAL GONZALES, ANG NORTHERN POLICE DISTRICT AT ANG KALOOKAN POLICE AY
MAY PRESS CONFERENCE MAMAYA, AT BAKA MERON DING IREREPORT NA RESULTA NG GINAWA
NILANG PAGHAHANAP NG POSIBLENG NAGPAPUTOK AT PINAGMULAN NG BALANG TUMAMA KAY
STEPHANIE NICOLE…
ETO
LANG, BAKA MAKATULONG:
SABI
NG PNP KAHAPON, MERON NANG NAHULING 18 TAONG NAGPAPUTOK NG BARIL NOONG
PAGSALUBONG SA BAGONG TAON… MGA INDISCRIMINATE FIRERS…
NOONG
ENERO UNO, SABI DIN NG PNP, WALO DAW SA MGA NAHULI AY MGA PRIVATE SECURITY
GUARDS…
DITO
SA MGA NAHULI, WALA PANG LUGAR NA NABABANGGIT KUNG TAGASAAN O SAAN NAGPAPUTOK…
KUNG
NAGHAHANAP TAYO NG SOLUSYON SA PROBLEMA, PUWEDENG DITO MUNA MAGSIMULA – DOON SA
LABING-WALONG YUN, IDAAN NA NATIN SA BALLISTICS TESTS ANG KANILANG MGA BARIL,
AT IKUMPARA NA SA BALANG TUMAMA KAY NICOLE… GANUNDIN SA IBA PANG NAGING BIKTIMA
NG STRAY BULLETS…
KUNG
WALA TAYONG MAKUKUHA DOON, TINGNAN NA RIN NATIN ANG MAGIGING RESULTA NG
IMBESTIGASYON NAMAN SA MGA AUTORIDAD NA NAGPAPUTOK NG BARIL – PULIS, SUNDALO,
LAW ENFORCER…
WALA
PANG REPORT ANG PNP KUNG MERON NANG NAHULI O NASURI SA PAMAMAGITAN NG PARAFFIN
TEST.
KUNG
WALA PA RING MANGYAYARI, WALA PA RING MATUTUKOY NA PINAGMULAN NG BALANG TUMAMA
SA MGA BIKTIMA TULAD NI STEPHANIE NICOLE, SANAYIN NA NATIN ANG ATING SARILI, NA
TANGGAPING WALA TALAGA TAYONG MAGAGAWA LABAN SA INDISCRIMINATE FIRING TUWING
BAGONG TAON.
KAYA
KUNG MAY MAKIKITA TAYONG NAGPAPAPUTOK, MAGTAGO NA LANG TAYO. MAGSUMBONG MAN
TAYO, BAKA TAYO PA ANG MAPAHAMAK.
AT
PAGAWA NA TAYO NG BUBONG NA SEMENTO, DAHIL TATAGOS SA YERO ANG BALA.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.