KINUMPIRMA NG TAGAPAGSALITA NG LAKAS-CMD ANG NAUNANG PAHAYAG NI HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ NA SI SEN. BONG REVILLA ANG MAMANUKIN NG PARTIDO SA PAGKA-PRESIDENTE SA 2016.
SA ISANG PRESS CONFERENCE SINABI NI ATTY. RAUL LAMBINO NA MARAMING MIYEMBRO NG PARTIDO ANG NAGTUTULAK NA GAWING STANDARD BEARER SI REVILLA.
SA KATUNAYAN, ITO ANYA ANG DAHILAN KAYA MAGKAKAROON NG RE-ORGANIZATION ANG LAKAS PARA IBIGAY KAY REVILLA ANG CHAIRMANSHIP NG PARTIDO.
AYON KAY LAMBINO, KUMPIYANSA SILANG MAY LABAN SI REVILLA KINA DILG SEC. MAR ROXAS AT VICE PRES. JEJOMAR BINAY DAHIL BUKOD SA MERON NA ITONG TAGASUNOD AY MALAWAK NA RIN ANG KARANASAN SA LARANGAN NG PULITIKA AT SERBISYO-PUBLIKO.
SAMANTALA, BINANGGIT RIN NI LAMBINO NA SI LEYTE CONG. FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ ANG MAGIGING PRESIDENTE NG LAKAS AT SIYANG KANDIDATO NILA SA SPEAKERSHIP SA SUSUNOD NA KONGRESO. (Leth Narciso)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.