DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, May 17, 2012

Major stories today

WITNESS FACES CONTEMPT OVER MR. ANONYMOUS
R. Sibayan

                MAHAHARAP SA KASONG CONTEMPT ANG ISANG WITNESS SA IMPEACHMENT TRIAL MATAPOS NA MAGSUMIT ITO NG MGA DOKUMENTO MULA SA ISANG MR. ANONYMOUS.
                HALATANG GALIT SI IMPEACHMENT COURT PRESIDING OFFICER  SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE NANG BATUHIN NITO NG MAGKAKASUNOD NA TANONGG SI HARVEY KEH NG KAYA NATIN MOVEMENT DAHIL SIYA ANG NAGSUMITE NG "UNVERIFIED DOCUMENTS".
                DAHIL DITO, PINAGPAPALIWANAG NI ENRILE SI KEH KUNG BAKIT HINDI SIYA PWEDENG KASUHAN NG CONTEMPT DAHIL SA PAGSUSUMITE NG HINDI BERIPIKADONG DOKUMENTO NA UMANO'Y NAGLALAMAN NG CONFIDENTIAL RECORDS NI CHIEF JUSTICE RENATO CORONA HINGGIL SA 10-MILLION DOLLAR ACCOUNT NITO.
                BINIGYANG-DIIN NI SENADOR ENRILE NA MALINAW NA NAIS IMPLUWENSIYAHAN NI KEH ANG MGA SENATOR JUDGES SA GINAGAWA NILANG PAGLILITIS PARA SA IMPEACHMENT NI CORONA.

MTRCB, TV5 REACH SETTLEMENT
R. Sibayan
                
                INALIS NA NG MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD  ANG IPINATAW NITONG SUSPENSIYON SA PROGRAMANG T3 NG TULFO BROTHERS SA CHANNEL 5.
                MAGUGUNITANG AGAD NA IPINATAW NG MTRCB ANG SUSPENSION ORDER SA PROGRAMA NG MAGKAKAPATID NA TULFO  MATAPOS NA PAGBANTAAN NG MGA ITO SI RAYMART SANTIAGO  AT CLAUDINE BARRETO.
                ITO AY KASUNOD NG NANGYARING RAMBULAN SA NAIA TERMINAL 3 NANG UPAKAN NG KAMPO NI SANTIAGO SI MON TULFO MATAPOS ITONG MAKITANG KINUKUNAN NG VIDEO ANG UMANO'Y PANG-AAWAY NI CLAUDINE SA GROUND PERSONNEL NG CEBU PACIFIC.
                NAGKASUNDO ANG MGA ABUGADO NG MTRCB MULA SA OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL AT LEGAL COUNSEL NG TV 5 NA MAGKAROON NG AMICABLE SETTLEMENT SA ISANG PAGDINIG NG COURT OF APPEALS.

SUBMARINE PORT CALL SCHEDULED BEFORE SHOAL ROW
R. Sibayan
                                
                WALANG KINALAMAN SA TENSIYON SA PANATAG SHOAL ANG PAGDALAW SA BANSA NG ISANG US SUBMARINE.
                AYON KAY FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT DEL ROSARIO, ANG PORT CALL NG USS NORTH CAROLINA AY MATAGAL NG NAKA-SCHEDULE BAGUPAMAN PUMUTOK ANG TENSIYON SA WEST PHILIPPINE SEA.
                 GAYUNMAN, SINABI RIN NG KALIHIM NA HINDI RIN SIYA NAABISUHAN  TUNGKOL SA PORT CALL NG US SUBMARINE AT HANDA UMANO SIYANG DALAWIN ITO HJABANG NAKADAONG SA SUBIC.
                NJGUNIT, IGINIIT NG US EMBASSY DITO SA MAYNILA NA NAGBIGAY SILA NG ABISO SA GOBYERNO TUNGKOL SA OPAGDATING SA BANSA NG SUBMARINO NG AMERIKA.

RP TO BUY NEW FIGHTER JETS
R. Sibayan

                TINIYAK NI PANGULONG NOYNOY AQUINO NA MERON NG KAKAYANAN ANG BANSA NA BUMILI NG MGA BAGONG FIGHTER JETS.
                NGUNIT NILINAW NG PANGULO NA ANG FIGHTER JETS NA ITO AY HINDI MAGMUMULA SA AMERIKA KUNDI SA IBANG BANSA NA MAY KAKAYANANG GUMAWA NG  MAKABAGONG EROPLANONG PANDIGMA.
                INAMIN NI PANGULONG AQUINO NA SA NGAYON AY WALA TALAGANG FIGHTER JETS ANG PILIPINAS, MERON LAMANG TAYONG DALAWANG TRAINER JETS AT ANG PINAKAHULING TAON NA NAGPALIPAD NG FIGHTER JET ANG BANSA AY NOONG 2005 – ANG F-5 FIGHTER JET NA NABILI PA NOONG 1960S AT SURPLUS SA PANAHON NG KOREAN WAR AT VIETNAM WAR.
                BAGAMAN, PINAG-AARALAN PA RIN NG PAMAHALAAN ANG PAGBILI NG F-16 JETS MULA SA AMERIKA NGUNIT MERON NG PANGIT NA FEEDBACK ANG INDONESIA TUNGKOL DITO KUNG KAYA MALABO NA ITONG MAISAKATUPARAN.
                INIHAYAG NG PANGULO SA NGAYON AY MAAARING MATULOY ANG PAGBILI NG MGA BAGONG FIGHTER JETS HINDI SA AMERIKA KUNDI SA ANUMANG BANSA SA EUROPA, AT ITO AY BAGO NA TATAGAL NG 20 TAON ANG LIFE SPAN HINDI NG SECOND HAND MULA SA AMERIKA NA TATAGAL LAMANG NG DALAWANG TAON.     

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site