2 APO NIRAPE M. Cabral ISANG 67 ANYOS NA LOLO ANG INARESTO MAKARAANG GAHASAIN NITO ANG DALAWANG MENOR DE EDAD NA APO SA KANILANG BAHAY SA BANI, PANGASINAN. BATAY SA REKLAMO NG MGA BIKTIMANG SINA EMMA, 15, AT JOSIE,17, MALAYANG NAGAWA NG SUSPECT NA SI ANASTACIO PASCUAL ANG PANGHAHALAY SA KANILA DAHIL ITO LAMANG ANG KASAMA NILA SA BAHAY DAHIL NAGTATRABAHO SA MAYNILA ANG KANILANG MGA MAGULANG. AYON SA PANGANAY NA SI JOSIE, NOONG NAKARAANG TAON NANG SIMULAN SIYANG RAPE-PIN NG KANYANG LOLO AT ANG KAHAYUPAN NG SUSPECT AY NAGBUNGA . INAMIN NI JOSIE NA 5 BUWANG NA SIYANG BUNTIS AT TATAHIMIK NA LAMANG SANA SIYA KUNG HINDI NIYA NAKITA ANG KAPATID NA SI EMMA NA NIRE-RAPE DIN NI LOLO ANASTACIO KAMAKALAWA NG GABI. NAPILITANG ANG MAGKAPATID NA HUMINGI NG TULONG SA PULISYA AT NANG MAARESTO, IKINATUWIRAN NG MATANDANG MANIAC NA GINUSTO NAMAN DAW NG KANYANG MGA APO ANG NANGYARI. CORONA HAHARAP SA MARTES M. Cabral HAHARAP NA SA IMPEACHMENT COURT SI CHIEF JUSTICE RENATO CORONA SA MARTES, MAY 22, NA AYON SA PROSECUTION AY MAGIGING BLOCKBUSTER KAYSA SA INAABANGANG LABAN NI MANNY PACQUIAO KAY TIM BRADLEY SA SUSUNOD NA BUWAN. NAPAGKASUNDUAN NG MGA ABOGADO NI CORONA AT SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE NA IHARAP NA SI CORONA SA IMPEACHMENT COURT BILANG HULING TESTIGO NG DEPENSA. AYON KAY DEFENSE LEAD COUNSEL SERAFIN CUEVAS, MAYROON PA SANA SILANG ILANG TESTIGO SUBALIT HINDI NA NILA IHAHARAP DAHIL IRRELEVANT NAMAN SA KASO KAYA ANG PUNONG MAHISTRADO NA ANG KANILANG IUUPO SA WITNESS STAND. SINABI NI CUEVAS NA NAKUMPLETO NA NILA ANG PRESENTASYON SA APAT NA HOSTILE WITNESSES, KABILANG SI OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES NA NAGBIGAY NG "DAMAGING" NA TESTIMONYA KUNG SAAN IDINETALYE NITO ANG MGA DOLLAR ACCOUNTS NI CORONA SA IBAT IBANG BANGKO NA NAKUHA NITO SA ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL. DAHIL SI CORONA NA ANG HULING TESTIGONG IHAHARAP NG DEPENSA, HINDI MAGKAKAROON NG IMPEACHMENT TRIAL NGAYONG HUWEBES AT SA LUNES. PNOY, OBAMA MAGKIKITA SA JUNE M. Cabral ITINAKDA SA DARATING NA BUWAN NG HUNYO ANG UNANG PRESIDENTIAL VISIT NI PANGULONG NOYNOY AQUINO SA ESTADOS UNIDOS. SINIMULAN NA NG PHILIPPINE CONSULATE SA LOS ANGELES ANG PAGHAHANDA PARA SA GAGAWING PAGBISITA NG PANGULO SA AMERIKA SA JUNE 5 HANGGANG JUNE 6. AYON KAY CONSUL GENERAL MARY JO BERNARDO ARAGON, PATULOY ANG KANILANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA WASHINGTON DC AT SA FILIPINO-AMERICAN COMMUNITY AT BUSINESS INVESTORS KAUGNAY SA GAGAWING STATE VISIT NI AQUINO SA US. MULA SA LOS ANGELES, TUTULOY SI PNOY SA WASHINGTON KUNG SAAN SILA MAGKIKITA NI US PRESIDENT BARRACK OBAMA. BAGO ANG PAGBISITA NI AQUINO, MAUUNA SI VICE PRESIDENT JOJO BINAY NA TUTUNGO SA LOS ANGELES PARA SA ADVANCE INDEPENDENCE DAY CELEBRATION SA JUNE 2. BUS ACCIDENT M. Cabral ISA NA NAMANG BUS ANG NASANGKOT SA AKSIDENTE NA IKINASAWI NG MAG-INA AT PAGKASUGAT NG 26 NA IBA PANG PASAHERO NANG MAHULOG ANG BUS SA MALALIM NA KANAL SA KAHABAAN NG STAR TOLLWAY SA SAN JOSE, BATANGAS, KAHAPON NG UMAGA. ANG MGA NASAWI AY SINA RITA MAPACPAC SUEGE, 27, AT ANG KANYANG DALAWANG TAONG GULANG NA ANAK NA SI ELIJAH EMMANUEL SUEGE NG PINAMALAYAN, ORIENTAL MINDORO. PATUNGO SANANG BATANGAS PIER MULA SA MAYNILA ANG RORO BUS NANG MAGANAP ANG AKSIDENTE DAKONG ALAS-8:20 NG UMAGA. AYON SA ILANG PASAHERO, NAKATULOG ANG DRIVER NG BUS NA SI LEO BORILLA DAHIL SA HABA NG BIYAHE KAYA HINDI NITO NAKITA ANG KANAL NA MAY KALAHATING METRO ANG LALIM. POSIBLENG LALO PANG BUMIGAT ANG KASONG KAKAHARAPIN NG DRIVER DAHIL TUMAKAS ITO MATAPOS ANG AKSIDENTE. MAGKAPATID NA REYES NASA INTERPOL WANTED LIST NA M. Cabral INILAGAY NA NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION SA WANTED LIST NG INTERPOL ANG MAGKAPATID NA SINA DATING PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES AT CORON MAYOR MARIO REYES. ANG MAGKAPATID AY KAPWA AKUSADO SA PAGPATAY KAY RADIO BROADCASTER AT ENVIRONMENTAL ACTIVIST GERADO "DOC GERRY" ORTEGA NOONG ENERO 2011. INILAGAY NG NBI SA WANTED LIST ANG DALAWA MAKARAANG MABIGO NA SUMUKO MATAPOS MAGPALABAS NG WARRANTS OF ARREST ANG PUERTO PRINCESA REGIONAL TRIAL COURT. NAGTAGO ANG MAGKAPATID NOONG MARSO MATAPOS MAKAKITA NG PROBABLE CAUSE ANG DEPARTMENT OF JUSTICE PARA IDIIN SILA SA PAGPATAY KAY ORTEGA. ANG RED NOTICE LIST AY DIRECTORY NG INTERPOL SA MGA MOST WANTED SA BUONG MUNDO. ANG HAKBANG AY GINAWA NG NBI BATAY SA KAHILINGAN NG PAMILYA NI ORTEGA MATAPOS MABATID NA ILEGAL NA NAKALABAS NG BANSA ANG MAGKAPATID NA REYES UPANG TAKASAN ANG KASO. WESTERN RAINS M. Cabral KINUMPIRMA NG PAG-ASA NA PAPASOK NA ANG PANAHON NG TAG-ULAN. PALIWANAG NI PAG-ASA FORECASTER ALDCZAR AURELIO, ANG NARARANASANG MADALAS NA PAG-ULAN AT HUMINANG EPEKTO NG HIGH PRESSURE AREA SA BANSA AY PALATANDAAN NA PAPALAPIT NA ANG RAINY SEASON. AYON KAY AURELIO, ANG TROUGH OF A LOW PRESSURE AREA SA KANLURAN NG NORTHERN AT CENTRAL LUZON ANG MAGDADALA NG MGA PAG-ULAN SA WESTERN SECTION NG HILAGA AT GITNANG LUZON, KASAMA NA ANG DULONG HILAGANG LUZON AT PALAWAN. SINABI NI AURELIO NA ULAN DIN ANG DALA NG INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE SA MALAKING BAHAGI NG MINDANAO. GAYUNPAMAN, ASAHAN PA RIN ANG MAINIT NA PANAHON SA METRO MANILA SA BANDANG UMAGA NGUNIT MAY PAG-UULAP NG PAPAWIRIN AT PULO-PULONG PAG-AMBON SA DAKONG HAPON O GABI. GRACE LEE-KAIBIGAN PA RIN PNoy M. Cabral "MAGKAIBIGAN KAMI." GANITO INILARAWAN NI PANGULONG NOYNOY AQUINO ANG RELASYON NIYA NGAYON KAY KOREAN TV HOST GRACE LEE SA HARAP NG MGA RUMORS NA BREAK NA SILA. ITO ANG KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON NA NAGBIGAY NG PAHAYAG ANG PANGULO HINGGIL SA STATUS NG RELASYON NILA NI GRACE . TUMANGGI NA RIN SI AQUINO NA PAHABAIN PA ANG KANYANG KOMENTO SA ISYU MALIBAN SA PAGSASABING "MAGKAIBIGAN KAMI." BAGO NAPABALITA ANG UMANOY SPLIT-UP NG DALAWA NOONG NAKARAANG BUWAN, SI GRACE ANG MADALAS KA-DATE NI PNOY. NAMATAAN ANG DALAWA NA NANOOD NG CONCERT NG BRAZILIAN OSCAR-WINNING SINGER NA SI SERGIO MENDEZ NGUNIT AYON SA SOURCE, HIWALAY NA ANG DALAWA AT NAIPANGAKO LANG NI AQUINO KAY LEE ANG NASABING CONCERT AT TINUPAD LAMANG NIYA ITO. NAHIWATIGAN LANG SA PANGULO NA WALA NA SILA NI GRACE LEE SA DALAWANG OKASYON NA DINALUHAN NITO, ANG HULI AY SA NATIONAL TRANSPORT CONFERENCE SA MARIKINA CITY KUNG SAAN SINABI NI AQUINO NA PAPASOK NA LAMANG SIYA SA PAGPAPARI MATAPOS ANG KANYANG TERMINO SA 2016. SA NGAYON, MAY IBA NA UMANONG NAPUPUSUAN AT IDINE-DATE ANG BINATANG PRESIDENTE. |
DZRH Live on TV!
To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.
.
Citizen Journalism
DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.
Thursday, May 17, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.