Positibo
si pangulong noynoy aquino na babangon ang Cagayan de oro, iligan city at iba
pang mga lalawigan na malubhang napinsala ng bagyong sendong. |
DZRH Live on TV!
.
Citizen Journalism
Tuesday, December 20, 2011
Pangulong noynoy aquino: babangon ang Cagayan de oro, iligan city
Thursday, December 15, 2011
Vice Mayor inambush
Isang vice-mayor ang inambush sa tapat ng hypermart sa SM MoA dakong alas-11:45 ng tanghali. Ang biktima ay nakilalang si Vice-Mayor Florencio Manimtim, Jr. ng Talisay, Batangas.
Holiday ceasefire
Epektibo na simula bukas ang holiday ceasefire o suspension of offensive military operations na idineklara ng gobyerno sa new people's army.
Atty. Ma. Valentina Cruz, Spokesperson, Impeachment Court. Pix 2
From: f.rosales@mbcradio.net
To: DZRH Desk [mailto:newsdesk@mbcradio.net]
Sent: Thu, 15 Dec 2011 02:36:21 +0000
Subject: Atty. Ma. Valentina Cruz, Spokesperson, Impeachment Court. Pix 2
Impeachment
Nanganganib na rin maisulong ang impeachment complaint laban sa sampung iba pang mahistrado na itinalaga ni Dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, iyan ay kung patuloy nilang poprotektahan ang dating pangulo.arroyoTahasang sinabi ni de Lima na kapag nagpatuloy ang pagpabor ng mga Arroyo Justices sa dating administrasyon, panahon na para kumilos ang taong bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan sa Kongreso para sila ay ipa-impeach sa pwesto.Iyon na rin umano ang panahon para mabawi ng Pangulo at ng Kongreso ang hukuman para sa taongbayan.Sinabi rin ni de lima na hindi ligtas sa pananagutan ang mga mahistrado at ang korte suprema at hudikatura ay hindi pagmamay-ari ni chief justice renato corona dahil si Corona ay hindi ang hudikatura.Maari aniyang si Corona at ang iba pang mahistrado ay kampi sa dating pangulo, pero ang mismong institusyon ng Korte Suprema ay hindi sa kanila magsisilbi kundi sa taong bayan.Bukod kina Corona at Justice Mariano del Castillo na kapwa na nahaharap sa impeachment, kabilang din sa mga itinalaga sa korte suprema ni dating pangulong arroyo ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita de Castro, Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Arturo Brion, Roberto Abad, Presbitero Velasco, Jose Mendoza, Jose Perez, Martin Villarama at Lucas Bersamin.
Joker said: the check and balance in gov't has already eroded!
From: f.rosales@mbcradio.net
To: DZRH Desk [mailto:newsdesk@mbcradio.net]
Sent: Thu, 15 Dec 2011 06:05:24 +0000
Subject: Joker said: the check and balance in gov't has already eroded!
Support for SC
Bilang pagsuporta sa kinakaharap na impeachment ni Chief Justice Renato Corona susugod sa korte suprema ang mga hukom at court employees mula sa iba't ibang korte sa Metro Manila.
Ayon kay Manila RTC Judges Association Antonio Eugenio, tinatayang nasa limang daan katao na kinabibilangan ng mga hukom at court employees ang magtitipon tipon sa Manila City Hall.
Pagkatapos aniya nito ay sabay sabay silang magmamartsa patungo sa korte suprema upang ihayag ang suporta kay CJ corona.
Bukod sa suot na kulay itim na t-shirt ay magsusuot din sila ng itim na arm bond.
Kabilang sa mga lalahok sa martsa ay mula sa Court of Tax Appeals, Quezon RTC, Manila RTC, Caloocan RTC, Mandaluyong RTC, Pasay RTC at iba pa.
Karamihan naman sa mga korte ay hanggang ngayong alas dose lamang ng tanghali at pagkatapos ay tutulak na sila patungon Lungsod ng Maynila
SC Situationer
Inaasahang magkukulay itim ang buong compound at harap ng Korte Suprema mamayang hapon dahil sa gagawing pagtitipon ng mga empleyado ng hudikatura
Iyan ay bilang pagpapakita ng suporta kay Chief Justice Renato Corona na nahaharap sa impeachment complaint.
Kinumpirma ni judge Antonio Eugenio dating presidente ng Philippine judges Association at kasalukuyang presidente ng Manila Rtc judges association
na hinihimok ang lahat ng mga hukom at empleyado ng korte sa Kalakhang Maynila na magtungo sa Korte Suprema at magsuot ng kulay itim na damit.
Ayon kila Eugenio at Manila RTC judge Silvino Pampilo nakatakdang magbigay ng Talumpati si Corona bandang alas dos ng hapon kaugnay ng kinakaharap niyang impeachment complaint.
Inaasahang magdedeklara ng Court Holiday ang buong hudikatura bilang pakikiisa kay Chief Justice Corona na nahaharap sa panggigipit ng Malacanang at sa kaalyado nitong kongresista.
Nanawagan si Antonio sa mga kapwa hukom na dumalo sa gagawing pagtitipon na protektahan ang institusyon na kanilang minamahal at iginagalang.
Palace Appeal
Milky Rigonan
kung dati … mistulang combative ang malakanyang laban sa korte suprema … ngayon umaapela ang palasyo sa kataas-taasang hukuman na itigil na ang idinekrang court holiday.
sa statement ng palasyo na binasa ni deputy presidential spokesperson Abigail valte, sinabi nito na lubhang nababahala ang malakanyang sa perwisyong dulot ng idineklarang court holiday o black Wednesday.
panawagan pa ni valte sa mga court employees sa ibat-ibang bahagi ng bansa na huwag pagagamit sa personal na krusada ni corona.
idineklara ng supreme court ang court holiday bilang suporta sa ginawang pagkuyog ng malakanyang kay corona na ngayon ay nahaharap sa impeachment.
Fw: Senators wearing judicial robe for their oathtaking today!
From: f.rosales@mbcradio.net
To: DZRH Desk [mailto:newsdesk@mbcradio.net]
Sent: Wed, 14 Dec 2011 07:54:19 +0000
Subject: Senators wearing judicial robe for their oathtaking today!
Wednesday, December 14, 2011
New justice for CA Cebu
Nagtalaga ang Supreme Court ng mahistrado sa Court of Appeals cebu na siyang hahawak ng mga kaso sa korte sa buong visayas region
Sa ilalim ng Administrative Order No. 152-2011 na pirmado nina Chief Justice Renato Corona, Justice Antonio Carpio at Justice Presbitero Velasco Jr, naitalaga si Associate Justice Pampio Abarintos bilang Executive Justice at Chairman ng CA 18th Division sa Visayas
Papalitan ni Abarintos si justice Portia Alino Hormachuelos na nagretiro nuong hulyo a- 23 bilang justice at Executive Justice ng CA Visayas.
Sa kasalukuyan ang CA Visayas ay may tatlong divisions 18 to 21
Si justice Abarintos ay dating Law Professor at dati ring Trial judge ng Regional Trial Court.
Tuesday, December 13, 2011
MALACANANG WILL PROBE PLANE CRASH TO THE FULL
MILKY RIGONAN
Tiniyak ng malakanyang na mananagot ang mga opisyal ng civil aviation authority of the Philippines na pumalpak matapos bumagsak ang cargo plane noong sabado sa merville, Paranaque.
Malakanyang iwas-pusoy sa nilulutong impeachment vs corona sa kamara
Dumistansiya ang malakanyang sa report na kasado na umano sa kamara upang isulong ang impeachment laban kay supreme court chief justice renato corona.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail valte, hindi alam ng palasyo kung ano ang hakbang ng kanilang mga kaalyado sa kamara sa pangunguna ng liberal party.batay sa report, may caucus ngayon ang LP sa kamara subalit sinabi ni valte na hindi alam ng malakanyang kung ano ang agenda ng pulong ng kanilang mga kaalyado. Tumanggi rin si valte na sagutin ang mga kumakalat na report na dumarami na umano ang mga pumirma sa kamara pabor sa impeachment move laban kay corona.
Ang hakbang ng mga kaalyado ng malakanyang sa kamara ay sa harap ng ginawang bwelta ni corona sa flag raising ceremony kanina sa korte suprema na hindi niya hahayaan na yurakan ang hudikatura at hindi siya bibigay sa panawagan na mag-resign.
Constitutionalist warns of uncertainty
Nagpahayag ng pagkabahala ang isang constitutionalist kasunod ng pag-impeach ng mababang kapulungan ng kongreso laban kay Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay Dean Ranhilio Aquino ng Graduate School of Law ng San Beda College, nakakabahala na ang impeachment process ang ginamit ng kasalukuyang administrasyon laban sa punong mahistrado.
Nangangamba si dean Aquino sa maaaring kahinatnan ng hustisya sa bansa na kapag hindi nagustuhan ng Pangulo ang desisyon ng mahistrado ay ipapa-impeach na ito.
Binigyang diin rin ni dean Aquino na ang ginamit na batayan sa impeachment kung saan karamihan umano ay paglabag sa bill of right ay hindi solong dinesisyunan ni Corona.
Lahat aniya ng desisyon ng Korte Suprema ay gawa hindi lamang ng iisang tao kundi ng buong myembro ng korte suprema.
Umaasa naman si Aquino na sa ginawang pag-impeach ng kamara kay Corona ay pinairal ng mga mambabatas ang tamang hustisya.
Lookout bulletin laban sa may-ari ng eroplanong bumagsak sa paranaque
Nakatakdang magpalabas ang bureau of immigration ng 'lookout bulletin' laban sa may-ari ng bumagsak na eroplano sa paranaque nuong sabado.
Ayon sa mga opisyal ng immigration, maari silang magpalabas ng 'lookout bulletin' kay art velazquez, ang sinasabing may ari ng bumagsak na beechcraft light cargo plane at ikinasawi ng 13 katao, kabilang na ang piloto nito.
Ayon, sa impormasyon, nakatakdang lumiham ang mga opisyal ng civil aviation authority of the philipines kay bi comm ricardo david upang mailagay sa lookout bulletin si velasquez.
Ang lookout bulletin ay hindi nagbibigay pahintulot sa mga immigration officer sa NAIA na pigilan sumakay ang1 pasahero, kundi ipagbibigay alam lamang ng kawanihan sa mga otoridad na ang taong nasa lookout ay nakatakdang umalis ng bansa.
Monday, December 12, 2011
2 new threads about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |
Sunday, December 11, 2011
1 new thread about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |
Saturday, December 10, 2011
4 new threads about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum 1 post - Tarlac as organic farming capital | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |
Friday, December 9, 2011
4 new threads about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |
Thursday, December 8, 2011
6 new threads about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum 2 posts - Dec.7 in America 2 posts - What did you do to help Philippines? | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |
Wednesday, December 7, 2011
6 new threads about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum 1 post - Worst Philippine President ever. 4 posts - Retiring in the Philippines 1 post - jerk 2 posts - Passport Misfits | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |
Tuesday, December 6, 2011
3 new threads about Philippines
Latest threads in the Philippines Forum 1 post - Mayors to fight tax share cuts | ||
Manage your subscriptions or Unsubscribe Copyright (C) 2011 Topix All rights reserved. |