DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Tuesday, December 13, 2011

Constitutionalist warns of uncertainty



Nagpahayag ng pagkabahala ang isang constitutionalist kasunod ng pag-impeach ng mababang kapulungan ng kongreso laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Dean Ranhilio Aquino ng Graduate  School of Law ng San Beda College, nakakabahala na ang impeachment process ang ginamit ng kasalukuyang administrasyon laban sa punong mahistrado.

Nangangamba si dean Aquino sa maaaring kahinatnan ng hustisya sa bansa na kapag hindi nagustuhan ng Pangulo ang desisyon ng mahistrado ay ipapa-impeach na ito.

Binigyang diin rin ni dean Aquino na ang ginamit na batayan sa impeachment kung saan karamihan umano ay paglabag sa bill of right ay hindi solong dinesisyunan ni Corona.

Lahat aniya ng desisyon ng Korte Suprema ay gawa hindi lamang ng iisang tao kundi ng buong myembro ng korte suprema.

Umaasa naman si Aquino na sa ginawang pag-impeach ng kamara kay Corona ay pinairal ng mga mambabatas ang tamang hustisya.



No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site