DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, December 15, 2011

Impeachment

Nanganganib na rin  maisulong ang impeachment complaint laban sa sampung iba pang mahistrado na itinalaga ni Dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, iyan ay kung patuloy nilang poprotektahan ang dating pangulo.arroyo
Tahasang sinabi ni de Lima na kapag nagpatuloy ang pagpabor ng mga Arroyo Justices sa dating administrasyon, panahon na para kumilos ang taong bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan sa Kongreso para sila ay ipa-impeach sa pwesto.
Iyon na rin umano ang panahon para mabawi ng Pangulo at ng Kongreso ang hukuman para sa taongbayan.
Sinabi rin ni de lima na hindi ligtas sa pananagutan ang mga mahistrado at ang korte suprema at hudikatura ay hindi pagmamay-ari ni chief justice renato corona dahil si Corona ay hindi ang hudikatura.
Maari aniyang si Corona at ang iba pang mahistrado ay kampi sa dating pangulo, pero ang mismong institusyon ng Korte Suprema ay hindi sa kanila magsisilbi kundi sa taong bayan.
Bukod kina Corona at Justice Mariano del Castillo na kapwa na nahaharap sa impeachment, kabilang din sa mga itinalaga sa korte suprema ni dating pangulong arroyo ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita de Castro, Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Arturo Brion, Roberto Abad, Presbitero Velasco, Jose Mendoza, Jose Perez, Martin Villarama at Lucas Bersamin.

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site