Inaasahang magkukulay itim ang buong compound at harap ng Korte Suprema mamayang hapon dahil sa gagawing pagtitipon ng mga empleyado ng hudikatura
Iyan ay bilang pagpapakita ng suporta kay Chief Justice Renato Corona na nahaharap sa impeachment complaint.
Kinumpirma ni judge Antonio Eugenio dating presidente ng Philippine judges Association at kasalukuyang presidente ng Manila Rtc judges association
na hinihimok ang lahat ng mga hukom at empleyado ng korte sa Kalakhang Maynila na magtungo sa Korte Suprema at magsuot ng kulay itim na damit.
Ayon kila Eugenio at Manila RTC judge Silvino Pampilo nakatakdang magbigay ng Talumpati si Corona bandang alas dos ng hapon kaugnay ng kinakaharap niyang impeachment complaint.
Inaasahang magdedeklara ng Court Holiday ang buong hudikatura bilang pakikiisa kay Chief Justice Corona na nahaharap sa panggigipit ng Malacanang at sa kaalyado nitong kongresista.
Nanawagan si Antonio sa mga kapwa hukom na dumalo sa gagawing pagtitipon na protektahan ang institusyon na kanilang minamahal at iginagalang.
DZRH Live on TV!
To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.
.
Citizen Journalism
DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.
Thursday, December 15, 2011
SC Situationer
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.