Media Advisory
for 23 August 2012
Matapobreng gobyerno, maralita ang sinisisi sa kasalanan ni Aquino!
ANO: Piket protesta ng mga manggagawa laban sa banta ng gobyerno ng "pasabugin" ang kabahayan ng maralita
KAILAN: 23 August 2012, 10AM
SAAN: DPWH Main Office, Port Area Manila
Matapos bahagyang makabangon mula sa sakuna, panahon na para harapin ng mga maralita at mamamayan ang kontra-maralita at kontra-mamamayang pahayag ng Malakanyang na pasabugin ang kabahayan ng mga maralita.
Sa harap ng panibagong kalamidad, imbes na kongkretong solusyon ang gawin ng gobyernong Aquino, paninisi sa mga mamamayan ang ginagawa nito. Mapanira at marahas na atake sa mga mamamayan ang gustong gawin ni Aquino.
Dahil nakabara raw sa daluyan ng tubig ang mga bahay ng maralita, ang kanyang solusyon: Pasabugin ang mga ito!
Ang totoo, sinisisi ang mga maralita sa pagbaha para pagmukhaing makatwiran ang pag-demolish sa kanilang mga tahanan. Matagal nang gustong gibain ng gobyernong Aquino ang mga komunidad ng maralita hindi pa dahil nasa "danger zone" ang mga ito kundi para bigyang-daan ang mga proyekto sa ilalim ng programang Public-Private Partnership (PPP).
Media coverage is requested.
Photo opportunities are available.
Reference: Neil Ambion, KMU media officer, 0919-4163451
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.