Media Advisory
For 24 Aug. 2012
PUP janitors, magdiriwang ng tagumpay sa welga
Matapos ang welga simula Marso, tagumpay ang mga kontraktwal na janitor ng Polytechnic University of the Philippines. Sa halip na matanggal sa trabaho, na-absorb sila sa bagong agency matapos ang isang bidding.
Mayroon sa kanila, 1986 pa nagtatrabaho sa PUP. Natupad din ang memorandum of agreement na pinirmahan ng dating Officer-in-Charge ng pamantasan at ng mga manggagawa noong Pebrero na naglalaman ng kanilang pagka-absorb sa bagong ahensya.
Pagsasara ng welga at
pagdiriwang ng tagumpay ng mga kontraktwal na janitor ng PUP
3:00 nh | Martsa paikot sa kampus |
4:00 nh | Misa sa main building |
5:00 nh | Solidarity night at |
Magpapasalamat ang mga janitor ng PUP sa mga iskolar ng bayan, kaguruan at admin staff na sumuporta sa welga. Magpapahayag sila ng pagkagalak sa pagsalubong ni PUP Pres. Emmanuel de Guzman sa kanilang mga kahilingan.
Ipapanawagan din nila ang pagbasura sa Department Order 18-02 Series of 2011 ng gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino, na nagliligalisa at nagpapalaganap sa kontraktwalisasyon.
Media attendance is requested.
Photo opportunities are available.
Reference:
Neil Ambion, KMU media officer, 0919-4163451
Rey Cagomoc, Samahan ng mga Janitor sa PUP president, 0929-4202460
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.