Tulad ng
inaasahan ipinagtanggol ng malakanyang si quezon city 3rd district
representative Jorge banal kaugnay sa paglapit nit okay psbank katipunan branch
manager Annabelle tiongson para maidiin si supreme court chief justice renato
corona.
Ayon kay
deputy presidential spokesperson Abigail valte, nais lamang ni banal na
makatulong sa prosecution laban sa punong mahistrado.
Sabi ni
valte, nagsalita na rin si banal kahapon at bahala na ang mga senator-judges na
husgahan ang kanyang naging aksiyon.
Sa
impeachment court, inamin ni tiongson na nilapitan siya ni congressman banal at
pinabe-verify ang signature cards ni corona na pinaniniwalaang nakuha umano sa
iligal na paraan.
Batay naman
sa paliwanag ni banal sa impeachment court, nakita niya ang naturang bank
records sa kanyang mailbox sa kanilang bahay pero hindi niya agad ito
ipinagbigay-alam sa prosecution sa halip ay nilapitan niya si tiongson. M Rigonan
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.