Walang
basbas ng malakanyang ang sinabi ni congressman niel tupas na gumagawa umano
sila ng paraan sa kongreso upang matanggal din sa puwesto ang iba pang mga
appointee ni dating pangulong Gloria arroyo lalo na sa korte suprea.
Ayon kay
deputy presidential spokesperson Abigail valte, kahit kaalyado ng
administrasyon si tupas, hindi ito kumakatawan sa posisyon ng pamahalaan.
Paliwanag ni
valte, maaalis lamang sa puwesto ang sinumang opisyal ng pamahalaan batay sa
kapalpakan at hindi base kung sino ang nagtalaga sa kanya sa naturang posisyon.
Reaksiyon
ito ni valte kaugnay ng mga report na
bukod kay chief justice renato corona, balak din na ipa-impeach ang iba pang
mga mahistrado sa supreme court na itinalaga ni dating pangulong Gloria arroyo. M Rigonan
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.