Limang araw
ang ibinigay na deadline ng malakanyang kay presidential adviser for political
affairs Ronald llamas kaugnay ng pagkakasangkot sa kontrobersiya ng pagbili ng
mga pirated dvd.
Sa
memorandum na inilabas ni executive secretary paquito ochoa na may petsang January
27, 2012 … inatasan nito si llamas na magpaliwanag.
Ayon kay
deputy presidential spokesperson Abigail valte, kapag natanggap ni ochoa ang
paliwanag ni llamas, saka magdedesisyon kung anong parusa ang ipapataw sa naturang
opisyal.
Inamin ni
valte na nakausap na ni llamas si pangulong noynoy aquino at nag-sorry na ito
sa ikalawang kontrobersiya na kanyang kinasangkutan.
Una rito,
marami ang nanawagan na mag-resign si llamas sa puwesto pero depensa ni
pangulong aquino, bigyan ng due process ang naturang opisyal at hintayin na
matapos ang imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.