HINDI
KUMBINSIDO ANG ILANG SENATOR-JUDGES SA PAG-AAKUSA NG PROSEKUSYON NA MAY
NABUONG “SWEETHEART DEAL” O SUHULAN SA PAGITAN NI CHIEF JUSTICE RENATO
CORONA AT NG MEGAWORLD CORP SA MALAKING DISKWENTO SA BINILING CONDO UNIT
SA THE FORT, TAGUIG CITY.
SA MANIFESTATION NI SENADOR MANNY VILLAR, JR., KILALANG
REAL ESTATE DEVELOPER, MAY KANYA-KANYANG POLICY ANG DEVELOPERS NG
CONDOMINIUM AT MARAMING CIRCUMSTANCES NA NAKAPALOOB SA PAGBIBIGAY NG
MALAKING DISCOUNTS.
GINAWA
NI SEN. VILLAR ANG MANIFESTATION MATAPOS KUWESTYUNIN NG PROSEKUSYON ANG
IBINIGAY NA 40 PORSYENTO NG MEGAWORLD KAY CJ CORONA SA BINILING
PENTHOUSE UNIT SA BELLAGIO CONDO.
IKINATWIRAN
NI VILLAR NA MAAARING MAGING FLEXIBLE ANG MGA MANAGER SA PRESYUHAN NG
MGA CONDO UNIT LALO NA KUNG MAY PROBLEMANG PINANSYAL, NABIKTIMA NG BAGYO
O NASIRA ANG UNIT AT KUNG GUSTO NILANG MADOMINA ANG INDUSTRIYA.
INIHALIMBAWA
NI VILLAR ANG 40 PERCENT DISCOUNT NA IBINIGAY NG SM DEV’T CORPORATION
NOONG NAKARAANG DECEMBER PARA SA MGA CONDO UNITS NITO SA METRO MANILA…
SA
KABILANG DAKO, NILINAW DIN NI SENATE MINORITTY LEADER ALAN PETER
CAYETANO NA HINDI PA PWEDENG IKATEGORYA NA SUHOL ANG DISKWENTONG
IBINIGAY NG MEGAWORLD SA MAG-ASAWANG CORONA.
SA PANAYAM NG DZRH, SINABI NI SEN. CAYETANO NA IPINALIWANAG NG MEGAWORLD NA HINDI NAMAN ESPESYAL ANG DISKWENTO KAY CORONA…
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.