MAAGANG NAG-ADJOURN KAHAPON ANG IMPEACHMENT COURT TRIAL KAY CHIEF JUSTICE
RENATO CORONA, BILANG PAGGALANG SA KAARAWAN NI SENATE PRESIDENT JUAN PONCE
ENRILE, NA NAGDIWANG NG KANYANG IKA-WALUMPUT WALONG KAARAWAN.
SI RETIRED JUSTICE SERAFIN CUEVAS ANG NAGMUNGKAHING MAAGANG TAPUSIN ANG
PAGLILITIS , AT AGAD NAMANG SUMANGAYON ANG PANIG NG PROSECUTION.
BINANGGIT DIN NI CUEVAS NA DAHIL VALENTINES DAY, AY PAGKAKATAON NAMAN ITO
UPANG MAKAPILING NG DEFENSE AT PROSECUTION LAWYERS, AT NG MGA SENATOR-JUDGES,
ANG KANILANG MGA MAHAL SA BUHAY.
NAGPASALAMAT NAMAN SI ENRILE SA MAAGANG PAGPAPA-ADJOURN NG TRIAL, KASABAY
NG BILIN NA PAGHANDAAN NA LAMANG NANG MAIGI ANG RESUMPTION NGAYONG ARAW NG
MIERKULES. M Cabral
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.