DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Wednesday, February 1, 2012

Joker: limitahan ang oras ng trial

HUMIRIT SI SENADOR JOKER ARROYO NA DAPAT LIMITAHAN ANG ORAS SA PAGLILITIS KAY CHIEF JUSTICE RENATO CORONA.
PINUNA NI SENADOR ARROYO NA APAT NA ORAS LANG KADA LINGGO ANG GINUGUGOL   NG SENADO SA LEGISLATIVE WORKS NITO HABANG 13 HANGGANG 16 NA ORAS NAMAN BAWAT LINGGO SA IMPEACHMENT TRIAL.
 
IKINATWIRAN NI ARROYO NA “INCIDENTAL POWER” LANG NG SENADO ANG PAGSASAGAWA NG IMPEACHMENT TRIAL DAHIL ANG PAGBALANGKAS NG BATAS ANG PANGUNAHING TRABAHO NG MGA SENADOR.
 
SINABI NI SENADOR ARROYO NA DAPAT  ITAKDA NG IMPEACHMENT COURT SA LOOB NG TATLONG ORAS MULA ALAS-DOS HANGGANG ALAS-SINGKO NG HAPON ANG TRIAL DAHIL NAPAPAGOD DIN SILA BILANG MGA SENIOR CITIZEN NA.
 
NAPAGBIGYAN NAMAN REQUEST NI SENADOR ARROYO DAHIL NAG-ADJOURN ANG HEARING NG IMPEACHMENT COURT PASADO ALAS-SINGKO KAHAPON.
 
PERO KUNG SINA SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE AT SENADORA LOREN LEGARDA ANG TATANUNGIN AY HANDA SILANG LUMAGPAS PA NG ALAS-SINGKO NG HAPON HANGGANG GABI ANG PAGLILITIS.
 
AYON KAY ENRILE, MAGIGING 88 YEARS OLD NA SA FEBRUARY 14, OKAY LANG SA KANYA ANG MAHABANG PAGLILITIS DAHIL KAYA PA NG KANYANG KATAWAN SUBALIT IIWAN NIYA ANG DESISYON SA MGA SENADOR.
 WALA RIN DAW PROBLEMA KAY SENADORA LEGARDA NA MAG-HEARING SILA HANGGANG ALAS-DOSE NG HATINGGABI DAHIL MEDYO BATA PA SIYA…


No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site