NAMIMILIGRO NGAYON SI ANNABELLE TIONGSON, ABNG BRANCH MANAGER NG PS BANK
SA KATIPUNAN, NA TUMESTIGO UKOL SA MGA RECORDS SA BANKO NI CHIEF JUSTICE RENATO
CORONA.
SI TIONGSON AY INAKUSAHAN NA NI EDWIN LACIERDA, TAGAPAGSALITA NG
PANGULONG NOYNOY AQUINO, NA UMANO AY PINAGTATAKPAN ANG PS BANK SA PROBLEMA NG
SINASABING PEKENG DOKUMENTO NA INILANTAD NG PROSECUTION.
BAGKUS, IDINAMAY PA UMANO NI TIONGSON ANG BANKO SENTRAL, NANG IPAHIWATIG
NITO SA PAGDINIG NOONG LUNES, NA GUMAWA NG AUDIT ANG BANKO SENTRAL, AT POSIBLENG
NAKAKUHA NG KOPYA NG MGA BANK RECORDS.
SINABI NI LACIERDA NA MANANAGOT SI TIONGSON KAPAG NAPATUNAYANG WALANG
ALAM ANG BANKO SENTRAL SA NATURANG DOKUMENTO.
NANINDIGAN DIN SI LACIERDA NA TUTOO ANG DOKUMENTONG GINAMIT NG
PROSECUTION, DAHIL LUMABAS NAMANG TUTOO ANG MGA ACCOUNT NUMBER NA INILAHAD SA IMPEACHMENT TRIAL. R Fuertes
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.