IBINASURA NG MALAKANYANG ANG PANAWAGAN NA MAGPATAWAG SI PANGULONG AQUINO NG SPECIAL SESSION PARA MAPALUSOT ANG REPRODUCTIVE HEALTH BILL.
AYON KAY PRES'L SPOKESMAN EDWIN LACIERDA, WALANG MABIGAT NA RASON PARA MAGSAGAWA NG SPECIAL SESSION ANG DALAWANG KAPULUNGAN NG KONGRESO.
IPINAUUBAYA NI LACIERDA SA LIDERATO NG KAMARA AT SENADO ANG PAGDAAN SA TAMANG PROSESO NG PANUKALA NA NGAYON AY NASA PERIOD OF AMENDMENTS NA.
SINABI NI LACIERDA NA UMAASA ANG PALASYO NA MABABALANGKAS NG DALAWANG KAPULUNGAN ANG RH BILL NA KATANGGAP-TANGGAP SA LAHAT.
ANG PANAWAGAN NG SPECIAL SESSION AY INIHIRIT NG PRO-RH ADVOCATES DAHIL SA PAHAYAG NI SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE NA MALABONG MAPAGTIBAY NGAYONG 1TH CONGRESS ANG PANUKALANG BATAS. FLORANTE ROSALES
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.