NAKAUWI na kagabi si Pangulong Aquino mula sa APEC summit sa Vladivostoc, Russia. Sa kanyang arrival speech, sinabi ng Pangulo na matagumpay ang kanyag byahe sa Russia dahil sa naipaabot sa mga world leaders ang bagong mukha ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sinabi pa ng chief executive na mas bukas para sa negosyo at oportunidad ang Pilipinas. Mas patas para sa mga handang mamuhunan; mas maaliwalas na sentro ng komersyo at pangangalakal hindi lamang sa Asya Pasipiko kundi sa buong mundo.
Ayon pa kay Aquino, sinamantala nya rin ang pagkakataon upang makausap ang ibang mga lider ng bansa sa kanyag bilateral meeting, kabilang na si Chile Pres. Sebastian Pinera. Inimbitahan umano ang mga Pnoy na mamuhunan sa Chile at maibahagi ang ating kaalaman at teknolohiya sa pagbuo at pangangasiwa ng mga geothermal power plant sa kanilang bansa.
Bukod dito, sinabi pa I Aquino na gusto rin nilang magpapasok ng mga Pilipinong guro sa Chile at pagibayuhin ang ating ugnayan sa larangan ng aquaculture at pagmimina. Nagpaabot umano ng mainit na suporta ang mga pinuno ng mga bansang Singapore, Malaysia, at Vietnam hinggil sa hidwaan sa West Philippine Sea na may malawak na epekto at implikasyon sa seguridad ng rehiyon.
Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
DZRH Live on TV!
To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.
.
Citizen Journalism
DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.