DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Sunday, September 30, 2012

RELEASE | Mga relocatees sa Montalban, umalma sa mataas na singil sa kuryente at tubig sa pabahay ng gubyerno


Umalma ang mga maralitang nakatira sa Montalban, Rizal sa sobrang taas na singil sa kuryente at tubig, partikular ang 1,017 pamilyang nakatira sa Kasiglahan Village IK1, Brgy. San Jose.

Patuloy na nangangalap ng pirma ang Montalban Relocatees' Alliance sa mga residente sa nasabing komunidad para sa kanilang petisyon sa lokal na ahensya ng National Housing Authority (NHA) sa Montalban at sa New San Jose Builders, Inc (NSJB) na kagyat na itigil ang sobrang singil sa kuryente at tubig sa mga relocatees.


Umaabot sa P40-41 kada metro kwadrado ang singil sa tubig sa mga relocatees ng Kasiglahan IK1, samantalang aabot sa P15/KwH naman ang singil sa kuryente. Reklamo rin ng mga relocatees ang maanomalyang paniningil sa kuryente kung saan madalas isinasasama pa sa kanilang electric bill ang mga lumang singilin kahit na ang mga ito'y nabayaran na.

Ayon kay Merci Merilles, tagapagsalita ng MRA, pinagkakakitaan pa ng NHA sa pakikipagsabwatan sa NSJB ang mga relocatees sa pamamagitan ng hindi katanggap-tanggap na singil sa ilaw, kuryente at ng maging sa pabahay.

Retailer ng kuryente at tubig

Partikular sa NHA na dapat sana ay nabibigay-serbisyo sa mga relocatees, umaakto pa umano itong 'retailer' ng kuryente at tubig, at kumikita pa ang ahensiya ng malaki mula sa kakarampot na kinikita ng mga nakatira doon. "Kulang na kulang sa pagkain pa lang ang aming kinikita, hindi na namin kinakaya ang mga abot-sa-langit na mga bayarin," dagdag ni Merilles.

Hiling din ng mga relocatees na magkaroon sila ng sariling metro ng kuryente at tubig mula sa Meralco at Manila Water upang maiwasan umano ang pagsasamantala sa kanila ng NHA at NSJB.

"Sa malaganap na kawalan ng kabuhayan sa relokasyon, hindi makatarungan ang ginagawa sa amin ng gubyerno at ng mga kompanyang nasa pamahalaan din, ang mga nag-mamay-ari gaya ng San Jose Builders," ayon pa sa lider.

Piket sa lokal na tanggapan ng NHA

Sa Lunes ay magpipiket ang mga relocatees sa lokal na tanggapan ng NHA sa Montalban upang ihatid ang kanilang petisyon. Samantala, nanawagan naman ang Kadamay, isang militanteng grupo ng maralitang lungsod, sa pambansang pamahalaan na kagyat na imbestigahan ang maanomalyang singilin sa relokasyon, at panagutin ang mga nasa likod ng mga ito.

Ayon kay Carlito Badion, national vice chair ng Kadamay, ang kawalan ng matinong serbisyong panlipunan at mapagkukunan ng kabuhayan sa relokasyon ang nasa likod kung bakit tumututol ang libu-libong maralita sa pagpapalayas sa kanila ng gubyerno sa mga sentrong lungsod gaya ng sa Kamaynilaan.

Nanawagan din ang Kadamay na mabigyan ang mga relocatees ng permanenteng trabaho malapit sa kanilang lugar upang makaraos sila sa kalbaryong kalagayan sa pabahay ng pamahalaan.

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site