Resty Cruz used to be OIC of the Pasay City social welfare and development office, and lately was assigned to the city health office. On Tuesday, he died days after he was injured while trying to go after a snatcher who took his cellphone. In an ironic twist of fate, no one attended to him while he was waiting at the emergency room of the Pasay City General Hospital, and when another unit moved him to a private hospital, it was too late.
Here's the rest of the story:
NABAGOK ang ulo ni Resty Cruz, empleyado sa Pasay City Health Office, nang tumalon ito mula sa flyover upang habulin ang snatcher. Nahihilo man at nagdidilim ang paningin, nakuha pa rin niyang dalhin ang sarili sa Pasay City General Hospital. Apat na oras siyang nakaratay sa ospital ngunit walang nag-asikaso sa kanya o nagbigay ng first aid.
Ang trahedya ay nagsimula noon pang Biernes nang si Resty ay nadukutan malapit sa flyover ng Pasay rotunda at EDSA. Hinabol niya ang suspect hanggang sa umakyat ito ng flyover. Nang makitang tumalon mula sa flyover ang mandurukot ay tumalon din si Resty mula sa flyover, subalit sinamang palad na nabagok ang ulo niya sa isang matigas na bagay.
Ipinasiya niya na pumunta mag-isa sa PCGH upang magpagamot doon. Subalit may apat na oras na siyang naghihintay sa emergency room ay walang umaasikaso sa kanya.
Lumalabas na hindi siya kilala ng mga doktor at nurses sa nasabing pagamutan bilang health worker ng Pasay at dating OIC ng CSWD sa lungsod, at itinuring na ordinaryong pasyente. Hindi siya inasikaso o nabigyan ng gamot man lang dahil umano sa kawalan ng gamot sa PCGH.
Makalipas ang may apat na oras na paghihintay sa emergency room, ipinasiya ni Resty na humingi na lang ng ambulansiya na maglilipat sa kanya sa ibang hospital. Walang ambulansiya nang mga oras na iyon ang PCGH kaya siya ay tumawag na lang sa rescue team ng Pasay City na dumating naman makalipas ang 30 minuto.
Siya ay nailipat sa San Juan de Dios Hospital. Sa San Juan de Dios na binawian ng buhay si Resty.
Ayon sa mga doktor sa San Juan de Dios, kung nabigyan lang ng first aid o pangunang lunas sa kanyang pinsala ang dating OIC ng DSWD ng Pasay ay baka buhay pa sana siya ngayon.
Sumuka si Resty ng dugo at na-comatose sa loob ng limang araw dahil sa bumarang dugo sa utak. Araw ng Martes ganap na alas-12 ng tanghali si Resty ay idineklarang patay.
Ang dating nag-aasikaso sa mahihirap na mamamayan ng Pasay ay namatay nang hindi naasikaso dahil sa kapabayaan ng mga doktor at nurses sa ospital para sa mga mahihirap.

No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.