INILAGLAG NG MALAKANYANG SI JUSTICE SEC. LIELA DE LIMA KAPALIT NG ULO NI DILG USEC. RICO PUNO.
SA PRESS BRIEFING SA PALASYO, SINABI NI PRES'L SPOKESMAN EDWIN LACIERDA NA TANGING SI USEC. PUNO ANG INUTUSAN NG PANGULONG AQUINO AT HINDI SI SEC. DE LIMA NA MAGTUNGO SA CONDO UNIT AT MGA OPISINA NI SEC. ROBREDO PARA I-SECURE ANG MGA SENSETIBONG DOKUMENTO AT KAGAMITAN NG NAMAYAPANG KALIHIM.
UNANG SINABI NI DE LIMA SA MEDIA NA MAY PERSONAL NA UTOS SI PANGULONG AQUINO NANG MAGTUNGO SIYA SA CONDO AT OPISINA NI SEC. ROBREDO, ISANG ARAW MATAPOS BUMAGSAK ANG EROPLANO NITONG SINASAKYAN SA MASBATE.
ITO'Y MATAPOS AMININ NI LACIERDA NA SI ATTY. LENI ROBREDO ANG TUMAWAG SA KALIHIM PARA I-SECURE ANG MGA PERSONAL NA GAMIT AT MGA PAPELES SA CONDO UNIT NG ASAWA.
PALAISIPAN PA RIN KUNG BAKIT NAGTUNGO SI USEC. PUNO SA CONDO UNIT NI SEC. ROBREDO, GAYUNG ANG PINASE-SECURE LANG SA KANYA NG PANGULO AY ANG OPISINA NG NAMAYAPANG KALIHIM. (Florante Rosales)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.