INILATAG na ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga kwalipikasyon ng susunod na Pangulo ng bansa kapag bumaba na siya sa pwesto sa loob ng tatlong taon at siyam na buwan.
Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag sa kanyang talumpati sa harap ng 30 business organizations sa 2nd Integrity Summit sa Intercontinental Hotel sa Makati.
Ayon kay PNoy, dapat ang papalit sa kanya ay isang tao na mayroong foresight, hindi nagsasawalang bahala, agad na tututukan at reresolbahin ang mga problema ng bayan at isang tao na magpapatatag sa culture of integrity na binubuo ng kanyang administrasyon.
"I hope that whoever stands on this podium in the future will be a person of foresight; someone who definitely will not kick the can down the road; someone who will solve problems; someone who will fortify the culture of integrity that we are building now," pahayag pa ni PNoy.
Umaasa si Pang. Aquino na mas marami pang Pilipino ang gagaya at bubuhayin ang culture of integrity sa araw-araw nilang pamumuhay.
Naniniwala rin ang Pangulo na ang principles of inclusion, collective action at communal responsibility ay makatutulong sa pagpapasigla ng ibat-ibang sektor para sa ganap na pag-unlad ng bansa.
Kaugnay nito, iginiit ni Pangulong Aquino na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng paraan upang makahanap ng "creative solutions" para malutas ang mga problema ng mamamayan.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.