DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, September 20, 2012

Trillanes inilaglag ng palasyo


PINATATAHIMIK na lang ni Pangulong Noynoy Aquino si Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario sa mga pasaring ni Sen. Antonio Trillanes kaugnay ng sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ginawa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pahayag mtapos akusahan ni Sen. Trillanes si Sec. Del Rosario na hindi interes ng bansa ang isinusulong nito kundi ang kapakanan ng kanyang dating amo na si business tycoon Manny Pangilinan na may investment sa oil exploration sa nasabing karagatan.
Sinabi ni Lacierda na hindi na dapat palakihin pa ng dalawang opisyal ang isyu dahil nakataya rito ang pambansang seguridad.   
Inihayag ni Lacierda na mismong si Trillanes ang nag-boluntaryo kay Pangulong Aquino na maging  "backdoor channel negotiator" sa iringan ng China at Pilipinas na pinagbigyan naman ng Pangulo.
Tiniyak ni Lacierda na may tiwala at kumpyansa pa rin si Pang. Aquino kay Sec. Del Rosario bilang foreign affairs secretary
Itinanggi naman ng Malakanyang na kasalanan ni Sec. del Rosario ang pagkabigo na matuloy ang bilateral meeting nina Pang. Aquino at Chinese Pres. Hu Jintao sa Vladivostok, Russia.
Sinabi ni Lacierda na kailangan umanong magmadali ni Pres. Hu na umuwi ng China noon dahil sa nangyaring lindol sa kanyang bansa. (FLORANTE ROSALES)

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site