DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Tuesday, December 13, 2011

Malakanyang iwas-pusoy sa nilulutong impeachment vs corona sa kamara


Dumistansiya ang malakanyang sa report na kasado na umano sa kamara upang isulong ang impeachment laban kay supreme court chief justice renato corona.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail valte, hindi alam ng palasyo kung ano ang hakbang ng kanilang mga kaalyado sa kamara sa pangunguna ng liberal party.
batay sa report, may caucus ngayon ang LP sa kamara subalit sinabi ni valte na hindi alam ng malakanyang kung ano ang agenda ng pulong ng kanilang mga kaalyado. Tumanggi rin si valte na sagutin ang mga kumakalat na report na dumarami na umano ang mga pumirma sa kamara pabor sa impeachment move laban kay  corona.
Ang hakbang ng mga kaalyado ng malakanyang sa kamara ay sa harap ng ginawang bwelta ni corona sa flag raising ceremony kanina sa korte suprema na hindi niya hahayaan na yurakan ang hudikatura at hindi siya bibigay sa panawagan na mag-resign.

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site