DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, December 15, 2011

Vice Mayor inambush

Isang vice-mayor ang inambush sa tapat ng hypermart sa SM MoA dakong alas-11:45 ng tanghali. Ang biktima ay nakilalang si Vice-Mayor Florencio Manimtim, Jr. ng Talisay, Batangas.
Sa panayam ng DZRH sa ilang saksi, sunod-sunod na putok ang narinig nila mula sa ibat-ibang direksyon at nakita nilang nagkikisay pa ang biktima. Paglabas ni VIce-Mayor ng MOA hypermart ay agad siyang pinaputukan ng 2 gunman na riding in tandem at gamit ang 45 caliber. May narekorber na basyo ng bala ang mga pulis sa area ng moa..  
Agad na isinugod sa San Juan de dios hospital at patuloy na nilalapatan ng lunas ang nasabing opisyal. Ayon kay Dr. Dennis Eupracio, nagtamo ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan si Manimtim.  
Nauna rito, inambush na rin si VM Manimtim sa talisay cemetery noong nakaraang Agosto ng nakaraang taon. Si Manimtim ay ilegal na inaprubahan ang konstruksyon ng korean spa sa taal volcano island.  
Bago manalong Vice-Mayor, nagsilbi na ring Mayor ng tatlong terms si Manimtim. Ang kalaban naman nya na si Gerry Natanawan ay nagharap ng election protest sa tanauan regional trial court noong Aug. 2010.

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site