kung dati … mistulang combative ang malakanyang laban sa korte suprema … ngayon umaapela ang palasyo sa kataas-taasang hukuman na itigil na ang idinekrang court holiday.
|
at kung dati … mr. corona ang tawag ng malakanyang sa punong mahistrado ng korte suprema … ngayon ang palasyo ay nananawagan kay chief justice renato corona na ipag-utos ang back to work order sa lahat ng mga kawani ng korte.
| sa statement ng palasyo na binasa ni deputy presidential spokesperson Abigail valte, sinabi nito na lubhang nababahala ang malakanyang sa perwisyong dulot ng idineklarang court holiday o black Wednesday. |
| panawagan pa ni valte sa mga court employees sa ibat-ibang bahagi ng bansa na huwag pagagamit sa personal na krusada ni corona. |
idineklara ng supreme court ang court holiday bilang suporta sa ginawang pagkuyog ng malakanyang kay corona na ngayon ay nahaharap sa impeachment.
|
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.