NAGSAGAWA ng dialogue ang ilang cabinet officials sa bahagi ng New Bataan, compostela valley at cateel, davao oriental para malaman ang kanilang kundisyon.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras, base sa kautusan ni pangulong Aquino, gagawin ng gubyerno ang lahat ng paraan upang maibangon sa pagkakalugmok ang mga biktima sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Sec. Almendras na inatasan sila ni Pangulong Aquino na tiyaking walang magugutom sa mga biktima habang isinasagawa ang recovery at rehabilitation efforts sa mga apektadong lugar.
Inihayag pa ni Almendras na dapat iwasan na ang pag-aaway o nakawan sa pamamahagi ng relief goods dahil nagkaloob ang pamahalaan ng food packs sa loob ng sampung araw.
Habang paparating pa aniya ang mga karagdagang tulong sa susunod na mga araw.
FLORANTE/////DEC142012
TINIYAK ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ililipat ng ibang lugar ang mga apektadong residente sa mas ligtas na lugar para mailayo sa peligro ang mga biktima ng bagyong Pablo.
Ayon kay Soliman, ipagbabawal na ng gubyerno sa mga residente ng compostela at davao oriental na bumalik sa kanilang lugar dahil mapanganib doon base sa geo-hazard maps ng DENR.
Kaugnay nito, magtutulungan ang gubyerno at pribadong sektor para magtayo ng bahay ng mga apektadong pamilya.
Libre na aniya ang bahay na ipapatayo ng gubyerno para sa mga nasalantang biktima..
Inihayag pa ni Soliman na handa rin ang PAG-IBIG funds na magpautang ng walang interes gayundin ang National Housing Authority.
FLORANTE//////DEC142012
SISIMULAN na sa susunod na lunes ang cash for work program para sa mga biktima ng bagyong Pablo.
Ito ang tiniyak ni DSWD Sec. Dinky Soliman sa ginawang dialogue sa mga biktima ng bagyo sa cateel, davao oriental at new bataan sa compostela valley.
Sinabi ni Sec. Soliman na bibigyan ng prayoridad sa "cash for work program" ang mga biktima na hindi miyembro ng pantawid pamilyang program.
Ayon kay Soliman, tatanggap ng tig-210 pesos kada araw na sahod ang mga biktima na mapapasama sa nasabing programa.
Makikipag-tulungan ang DSWD sa local gov't units doon para matukoy ang mga biktima ng kalamidad.
Kaugnay nito, tiniyak ni Soliman na mag-re-release na rin ang DSWD ng pondo mula sa conditional cash transfer program na tig-1,500 pesos para sa mga miyembro na biktima ng bagyo.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.