MARIING ITINANGGI NG PALASYO NG MALAKANYANG NA POLITICALLY MOTIVATED ANG PAG-SUSPENDE KAY CEBU GOVERNOR GWEN GARCIA.
GINAWA NI PRES'L COMMUNICATIONS GROUP SEC. RICKY CARANDANG ANG PAHAYAG MATAPOS AKUSAHAN NG UNITED NATIONALIST ALLIANCE ANG PALASYO NG PANGGIGIPIT SA MGA KAPARTIDO NILA SA UNA.
SINABI NI SEC. CARANDANG NA WALANG HALONG PULITIKA ANG NAGING HAKBANGIN NI DILG SEC. MAR ROXAS NA IPATUPAD ANG SUSPENSION ORDER LABAN KAY GOV. GARCIA SA LOOB NG ANIM NA BUWAN.
IGINIIT NI CARANDANG NA WALANG MASULINGAN ANG PALASYO DAHIL KAPAG KUMIKILOS AY INAAKUSAHAN NG PAMUMULITIKA AT KAPAG HINDI RIN KUMILOS AY SINASABIHAN DIN NG POLITICALLY MOTIVATED.
AYON PA KAY CARANDANG, DUMAAN SA MASUSING PROSESO ANG PAGDINIG SA KASO NI GOV. GARCIA AT NAKABASE ITO SA HAWAK NA MGA EBIDENSYA NG KORTE HINGGIL SA REKLAMO NG YUMAONG VICE-GOV. GREGORIO SANCHEZ, JR. NG CEBU.
KABILANG SA MGA KASONG INIHARAP LABAN KAY GOV. GARCIA AY ANG ENCROACHMENT O PANGHIHIMASOK SA LEGISLATIVE POWERS NG VICE-GOVERNOR, GRAVE MISCONDUCT AT ABUSE OF AUTHORITY.
BASE SA SOURCES SA PALASYO, INIREKUMENDA LANG UMANO NG PANGULO AY 60 ARAW PERO ITO AY BINAGO AT GINAWANG ANIM NA BUWAN NA SUSPENSYON.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.