IWAS-pusoy si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa ulat na isang governor at isang alkalde ang iniimbestigahan at nirerepaso na ng Malakanyang ang kasong katiwalian na kinakaharap ng mga ito.
Ayon kay Usec. Valte, hindi niya makumpirma o maitanggi kung merong gobernador at alkalde na isinasailalim sa imbestigasyon ng Palasyo.
Itinuturing anyang confidential ang disciplinary proceedings sa Office of the President kaya hindi muna niya maibubunyag sa publiko kung sino ang nasabing mga opisyal.
Sinabi pa ni Valte na maaari lang nilang isapubliko ang detalye ng kaso at pangalan ng local official kung mayroon ng desisyon at direktiba si Pangulong Aquino.
"I cannot confirm. First, confidential and marami naman pong mga cases na nagfa-file hindi lang po ang DILG kundi 'yung mga private citizens also. If you remember, nalalaman lang po natin kung 'yung complainant po 'yung nagpupunta sa media at nagbibigay ng kanilang pahayag. But unless there is a decision and until you can give me a name, I am not in any position to confirm," ayon pa kay Usec. Valte.
Nauna rito, nagbabala si Presidential Communications group Sec. Ricky Carandang na may ilang governor sa Northern at Central Luzon ang target ng Palasyo na suspendehin kaugnay ng pagkakasangkot sa jueteng operations sa kanilang lalawigan. (Florante Rosales)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.