UMAPELA ANG UNITED NATIONS SA MGA BANSA SA BUONG MUNDO NA MAGBIGAY NG DONASYON SA MGA BIKTIMA NG SUPER TYPHOON PABLO(BOPHA).
SA FLASH APPEAL NG UN, KAILANGAN UMANO NG 65-M DOLLARS PARA SA MABILISANG PAGBIBIGAY NG LIFESAVING AID AT SUPORTA SA PAGBANGON NG MGA APEKTADONG RESIDENTE SA NORTHERN MINDANAO.
AYON KAY LUIZA CAVALLO, HUMANITARIAN COORDINATOR, NAKITA NIYA SA PAGBISITA NITONG NAKARAANG LINGGO ANG KALUNOS-LUNOS NA KUNDISYON NG MGA MAGSASAKA AT LIBU-LIBONG MAMAMAYAN NG COMPOSTELA VALLEY, DAVAO ORIENTAL AT IBA PANG LUGAR SA KABISAYAAN/
SINABI NI CAVALLO NA LUBHANG KAILANGAN NG MGA BIKTIMA ANG TAHANAN AT MGA PAGKAIN PARA MAIBSAN ANG KANILANG KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN.
NAGTAKDA ANG UNITED NATIONS NG ACTION PLAN FOR RECOVERY SA LOOB NG ANIM NA BUWAN PARA SA PAGTUGON NG UN AGENCIES, INTERNATIONAL AT LOCAL NGOS UPANG TULUNGAN ANG TINATAYANG 480-LIBONG BIKTIMA.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.