TINIYAK NI PANGULONG NOYNOY AQUINO NA MAY NAKALAANG WALONG BILYONG PISONG CALAMITY FUND PARA SA REHABILITASYON NG MGA NASALANTANG LUGAR SA NORTHERN MINDANAO AT KABISAYAAN.
SINABI NG PANGULO NA HANDA NA ANG WALONG BILYONG PISO NA GALING SA UNEXPECTED REVENUE SOURCES, GAYA NG KINITA SA BENTAHAN NG FTI PROPERTY SA TAGUIG CITY.
INIHAYAG NI PNOY NA GUGUGULIN ANG PONDO SA REHABILITASYON AT PAGTATAYO NG EMERGENCY INFRASTRUCTURES GAYA NG NAWASAK NA MGA TULAY AT LANSANGAN.
NAUNA RITO, NAGLAAN ANG PALASYO NG 42-MILLION PESOS BILANG STANDBY FUNDS AT PAMBILI NG MGA RELIEF GOOD PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYO.
SAMANTALA, POSIBLENG MAGTUNGO SI PANGULONG AQUINO SA COMPOSTELA VALLEY AT DAVAO ORIENTAL SA DARATING NA BIYERNES.
SINABI NI PANG. AQUINO NA INAASIKASO NA ANG KANYANG SCHEDULE SA COMVAL AT DAVAO ORIENTAL PARA BISITAHIN ANG MGA KABABAYAN NATING BIKTIMA NI PABLO.
SA KABILANG DAKO, PINAPURIHAN NI PANG. AQUINO ANG MGA ALKALDE SA APEKTADONG LUGAR NA HINDI DUMALO SA GENERAL ASSEMBLY NG LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILS. PARA TULUNGAN ANG KANILANG MGA CONSTITUENTS.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.