DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, December 6, 2012

PNoy on Urban Poor groups

Sumugod sa palasyo ng malakanyang ang daan-daang myembro at mga lider ng ibat-ibang urban poor groups kaninang hapon.

Pero hindi sila nagprotesta kundi suporta ang ipinaabot ng mga maralitang grupo sa administrasyong Aquino.

Sa pagdiriwang ng urban poor solidarity week sa malakanyang - binasa ng mga lider ng mga urban poor ang kanilang pledge of support para kay pangulong noynoy Aquino.

Iprinesenta rin nila ky pangulong Aquino ang mga resulta at rekomendasyon ng urban poor summit 2012 na sinimulan nitong unang quarter ng taon.

Kahit namamalat na sa kanyang speech, iginiit ni pangulong Aquino ang kahalagahan ng mapayapang dayalogo sa mga demolisyon sa mga informal settler sa bansa.

Tiniyak din ng pangulo sa mga lider ng urban poor groups ang resettlement program ng gobyerno na napakinabangan na umano ng mahigit apat na libong pamilya.

Ginawaran naman ng posthumous award si yumaong sec. Jesse Robredo dahil sa mga ambag nito sa maralitang sektor.

Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site