TINIYAK NI BUDGET SEC. BUTCH ABAD NA IPAMIMIGAY NA NG MALAKANYANG ANG LIMANG LIBONG PRODUCTIVITY ENHANCEMENT INCENTIVE SA MAHIGIT ISANG MILYONG MANGGAGAWA SIMULA SA DECEMBER 14.
GINAWA NI ABAD ANG PAHAYAG SA KABILA NG PROTESTA NG MGA KAWANI NG GUBYERNO SA TINAPYAS UMANONG BENEPISYO NILA SA ILALIM NG BAGONG KAUTUSAN NG PANGULONG AQUINO.
SINABI NI ABAD NA TATANGGAP NG TIG-5-LIBONG PISONG BONUS ANG MGA REGULAR, CASUAL O CONTRACTUAL POSITIONS SA GUBYERNO.
KABILANG DIN ANYA RITO ANG MGA TAUHAN NG AFP, DND, PNP, BJMP, PHIL COAST GUARD, GOCCs, LGUs at IBA PANG AHENSYA.
NAUNA RITO, NANGAROLING SA TANGGAPAN NI SEC. ABAD ANG MGA GURO MULA SA GRUPONG TEACHERS DIGNITY COALITION DAHIL SA PAGTAPYAS NG KANILANG SAMPUNG LIBONG PISONG BONUS KADA TAON.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.