TODO-TODO ANG DEPENSA NI PANG. NOYNOY AQUINO SA PAG-ASA DAHIL SA MAAYOS AT TUMPAK NA FORECAST SA BAGYONG PABLO NA NANALASA SA NORTHERN MINDANAO.
SINABI NI PANG. AQUINO NA NAGING EPEKTIBO ANG PAG-ASA SA PAGBIBIGAY NG TYPHOON WARNING SIGNALS PARA MAABATAN ANG MAS MARAMI PANG BUHAY NA NAPINSALA SA LUPIT NG BAGYO.
IPINAGMALAKI NG PANGULO NA MAS MALAKI ANG INASENSO NG PAG-ASA KUMPARA NOONG PANAHON NG BAGYONG SENDONG SA ILIGAN AT CAGAYAN DE ORO CITIES.
INIHAYAG NI PNOY NA GUMANA ANG MGA DOPPLER RADARS AT SENSORS NA IKINABIT NG PROJECT NOAH SA DALAWANG LUNGSOD.
PATULOY PA RIN ANYA ANG PAGLALAGAY NG DOPPLER RADARS SA ITINUTURING NA DANGEROUS AREAS.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.