WALANG masama sa pagtanggap ng PNP at AFP sa mga miyembro ng third sex o mga bakla at tomboy.
Ito ang inihayag ni Senador Ping Lacson, dating PNP chief at nagsilbi rin bilang military intelligence officer noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Lacson, chairman ng senate commitee on national defense and security, bukas siya sa pagpasok ng mga bakla at tomboy sa pulisya at military dahil walang batas na nagbabawal sa mga ito para maglingkod sa bansa.
Paalala lang ng senador hindi dapat umarte at mag-astang bakla o tomboy ang mga ito sa sandaling tanggapin sila sa PNP at AFP at kailangang sumunod sila sa regulasyon ng organisasyon.
Iginiit ni Lacson na mas makabubuting walang diskriminasyon sa mga miyembro ng third sex dahil may talento at karapatan din silang magsilbi sa bayan...
Aminado naman si Lacson na may mga bading na rin sa Phil. Military Academy noong nag-aaral pa siya at katunayan may isang upper classmen sila na obvious na bakla pero nagpilit na hindi magpahalata.
Tumanggi naman ang senador na tukuyin ang pangalan nito dahil nagretiro na umano sa serbisyo. (Florante Rosales)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.