DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Sunday, July 29, 2012

Smugglers, ilalantad


HUHUBARAN na ng maskara ng Senado sa Miyerkoles ang mga prominenteng personalidad na smuggler at ang mga padrino nito.

Ginawa ni Senador Kiko Pangilinan ang pahayag matapos ang galit na pag-upak ni Senate President Juan Ponce Enrile sa walang puknat na pag-pupuslit ng bigas mula sa Vietnam at India.

Itinakda na ni Pangilinan sa Miyerkoles ang full-blown hearing sa  talamak na smuggling ng bigas, sibuyas, karne,  at iba pang produkto mula sa ibang bansa.
Ayon kay Pangilinan, chairman ng Senate committee on Agriculture and Foods, igigisa nila sa hearing sina BOC Commissioner Ruffy Biazon, Agriculture Sec. Proceso Alcala at iba pang government officials.
Hahalukayin umano ng senado ang pinaka-ugat ng hindi matigil-tigil na smuggling activities sa bansa at tukuyin ang mga padrino at mismong mga smugglers.
Inihayag pa ni Pangilinan na 200-bilyong piso ang nawawala sa koleksyon sa buwis ng gobyerno sa unang anim na buwan ng taong 2012.
Nauna rito, hiniling ni Pangilinan sa Customs na paigtingin ang kampanya laban sa smuggling sa pagiging transparent ng importation information na nakalagay sa Inward Foreign Manifest(IFM).
Ang IFM aniya ay naglalaman ng mga detalye ng importer's name, source country, shipping vessel, petsa ng pagdating ng kargamento at pirmado ng mga opisyal ng Customs.
Sa privilege speech nitong nakaraang linggo, galit na nagbanta si Senador Enrile na mismong ang senado ang hahabol at maghaharap ng kaso laban sa mga financier, backer at padrino na government officials ng mga smuggler sa bansa. (Florante Rosales)

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site