Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Wed, 25 Jul 2012 04:14:16 -0700 (PDT)
To: f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; prquintos@yahoo.com<prquintos@yahoo.com>; Michael Joe Delizo<mjdelizo@yahoo.com>; MALOU CABRAL<malourcabral@yahoo.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Subject: senate news
FLORANTE//////JULY252012
LABIS NA NADISMAYA ANG ILANG SENADOR PANSAMANTALANG PAGLAYA NI DATING PANGULONG ARROYO SA VMMC MATAPOS PAYAGAN NG KORTE NA MAGLAGAK NG PIYANSA SA KASONG ELECTORAL SABOTAGE.
AYON KAY SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO, MALINAW NA HINDI NAGTRABAHO NG HUSTO ANG COMELEC, DOJ AT IBA PANG AHENSYA NG GUBYERNO PARA MAPALAKAS ANG KASO LABAN KAY CGMA.
IGINIIT NI CAYETANO NA ISANG "WAKE-UP CALL" ITO SA DOJ AT COMELEC PARA TUTUKAN ANG NASABING KASO PARA MATIYAK NA MAPAPARUSAHAN ANG MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD.
V C: CAYETANO
SA PANIG NI SEN. PING LACSON, NAKALULUNGKOT NA MAHINA ANG KASONG INIHARAP NG DEPT. OF JUSTICE AT COMELEC LABAN KAY GMA GAYUNG MABIBIGAT NAMAN ANG MGA EBIDENSYA AT MGA TESTIGO.
AYON KAY LACSON, MAY LEKSYON NA DAPAT MATUTUNAN ANG MGA OPISYAL NG DOJ AT COMELEC NA HINDI PWEDENG MAPALAKAS ANG ISANG KASO SA PAMAMAGITAN NG MEDIA INTERVIEWS AT PRESS RELEASES LANG.
KUNDI SA PAMAMAGITAN ANIYA NG MASIGASIG NA PAGTA-TRABAHO AT MALAWAK NA KARANASAN O KAALAMAN SA RULES OF COURT AT SA WASTONG PAGHAWAK NG ISANG KASO.
PARA KAY SENATE PRESIDENT PROTEMPORE JINGGOY ESTRADA, HINDI DAPAT MAGSAYA SI GINANG ARROYO DAHIL TIYAK NAMANG BABALIK SIYA SA VMMC BUNSOD NG SANGKATUTAK PANG KASONG KATIWALIAN.
AYON KAY ESTRADA, MALAKING SAMPAL ANG DESISYONG ITO NG KORTE SA ANTI-CORRUPTION DRIVE NG PAMAHALAANG AQUINO.
V C: JINGGOY
FLORANTE//////JULY252012
SINISISI NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG DEPT. OF JUSTICE DAHIL PUMALPAK ITO SA PAGHAWAK NG KASONG ELECTORAL SABOTAGE LABAN KAY DATING PANGULONG GLORIA ARROYO.
ITOY MATAPOS PAYAGAN NI PASAY RTC JUDGE JESUS MUPAS SI MRS. ARROYO NA MAKAPAG-PIYANSA NG ISANG MILYUNG PISO DAHIL SA KAWALAN NG MATIBAY NA EBIDENSYA SA KASO.
IKINALUNGKOT NI SEN. TRILLANES NA MAKAKALABAS NA SI GMA DAHIL SA MALAKING PAGKUKULANG NI DOJ SEC. LEILA DE LIMA SA PAGBIBIGAY NG PROTEKSYON SA MGA HAWAK NA TESTIGO NG COMELEC KAYA NAG-ATRASAN ANG ILAN SA KANILA.
IKINATWIRAN NI TRILLANES NA MAKALUSOT MAN ANG DATING PRESIDENTE SA ELECTORAL SABOTAGE AY MAY KINAKAHARAP NAMANG KASONG PLUNDER SI GMA NA ISINAMPA NI OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES SA SANDIGANBAYAN.
IGINIIT NG SENADOR NA DAPAT BANTAYAN AT TIYAKIN NG MGA PROSECUTOR NA HINDI MAKALULUSOT SA KASONG PLUNDER SI GINANG ARROYO.
MABUTI NA LANG ANI TRILLANES DAHIL SI MORALES ANG HUMAHAWAK NG IBANG KASO NI CGMA KUNDI AY MALAMANG TULUYAN NG MAKALULUSOT ANG MAMBABATAS.
SAMANTALA, INIRERESPETO NAMAN NINA SEN. KOKO PIMENTEL III AT SEN. KIKO PANGILINAN ANG DESISYON NI JUDGE MUPAS SA PAGKAKALOOB NG BAIL KAY GMA.
INIHAYAG NI PIMENTEL NA KUNG TALAGANG WALANG MABIGAT NA EBIDENSYA LABAN SA DATING PANGULO AY KARAPATAN NG HUKOM NA PANSAMANTALA SIYANG PALAYAIN.
FLORANTE////JULY252012
INULAN NG BATIKOS SA SENADO SI COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES DAHIL SA BANTA NA BABALIK SA MANO-MANONG SISTEMA NG BILANGAN SA 2013 MIDTERM ELECTIONS DAHILSA BINAWASAN ANG BUDGET NG KUMISYON.
AYON KAY SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE, HINDI PWEDENG UMATRAS SA AUTOMATION SYSTEM ANG COMELEC DAHIL SA TIYAK NA LALAGANAP ANG DAYAAN SA HALALAN.
SINABI NI ENRILE NA KUNG HINDI SAPAT ANG BUDGET NG COMELEC AY PWEDE NAMANG GUMAWA NG PARAAN ANG KONGRESO SA PAMAMAGITAN NG RE-ALIGNMENT NG PONDO MULA SA IBANG DEPARTAMENTO PARA MATULOY ANG AUTOMATED ELECTION.
INUPAKAN DIN NI SEN. FRANKLIN DRILON SI BRILLANTES DAHIL SA "ALARMIST" NA PAHAYAG NITO SA HARAP NG MGA KONGRESISTA NA POSIBLENG NO-ELECTION SCENARIO SA 2013.
DISMAYADO UMANO SI DRILON DAHIL WALANG SAPAT NA BASEHAN AT HINDI TAMA ANG PAHAYAG NI BRILLANTES NA KULANG SA PONDO ANG COMELEC.
TINUKOY NI DRILON ANG PONDO NA INILAAN NG KONGRESO PARA SA IPINAGPALIBANG ARMM ELECTIONS NGAYONG TAON AT ANG PITONG BILYONG PISONG ALOKASYON SA PAGHAHANDA NG KUMISYON SA HALALAN.
GAYUNDIN ANG SAVINGS NG COMELEC NA MAHIGIT LIMANG BILYONG PISO.
YAN ANG DZRH NEWS-FLORANTE ROSALES NG RH 21...
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.