DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Tuesday, July 17, 2012

DOH, Philhealth, igigisa sa senado bukas-Drilon

ISASALANG (bukas) sa paggisa ng senado ang mga opisyal ng Dept of Health at Philhealth kaugnay ng pagtalakay sa kanilang panukalang budget sa susunod na taon.
Ayon kay Senador  Franklin Drilon, chairman ng senate committee on finance, hihimayin at rerebyuhin nila ang pondo ng DOH at Philhealth kung ano ang status ng kanilang pondo at kung naipatutupad ba ang mga programang makatutulong sa mga mamamayan.
Sinabi ni Drilon na ang DOH ay may nakalaang 45.8-bilyong piso ngayon taon at ika-pito sa mga ahensya ng gubyerno na may pinakamalaking budget allocations.
Gusto ni Drilon na malaman kung ang dalawang ahensya ay nakapagbibigay ng sapat na serbisyo sa mga mahihirap na Pilipino...sa bisa ng universal health care program ng pamahalaang Aquino.
Susuriin din umano nila ang implementasyon ng National National Health Insurance Program na may pondong 12-billion pesos ngayong  2012 para sa premium subsidy ng mahigit limang milyong mahihirap na pamilyang Pinoy.
Nauna rito, binusisi ni Drilon at Cong. Joseph Emilio Abaya ang pamimigay ng DSWD ng 39-B pesos na Pangtawid Pamilyang Pilipino Program at kinuwestyon ang napakalaking administrative fund allocations nito. (Florante Rosales)

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site