DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Tuesday, July 17, 2012

Gringo wants formal protest over Chinese warship

IGINIIT ni Senador Gringo Honasan na dapat i-protesta ng Pilipinas ang pagsadsad ng barko ng China sa spratlys sa west philippine sea.
Ginawa ni Senador Honasan ang pahayag sa gitna ng pagbalewala ni DFA Sec. Albert Del Rosario sa nasabing insidente ng intrusion sa teritoryo ng bansa.
Ayon kay Sen. Honasan, vice-chairman ng senate commitee on national defense, dapat i-pressure pa rin ng Pilipinas ang international tribunal o ASEAN sa pang-hihimasok ng China sa ating teritoryo.
Sinabi ni Honasan na mistulang nilolokohan na lang ng China ang Pilipinas dahil sa patuloy ang pagpapatrulya ng kanilang mga barko sa west philippine sea sa kabila ng sinasabing umalis na ang kanilang warship sa lugar.
Kaugnay nito, kinatigan ni Senator  Chiz  Escudero ang desisyon ng DFA na wag nang i-protesta ang pagsadsad ng warship ng China sa hasa hasa shoal sa palawan.
Ayon kay escudero, hindi na dapat gatungan pa ng Pilipinas ang umiigting na iringan nito sa China sa west philippine sea.
Sinabi pa ni Escudero na dapat aniyang idaan pa rin sa mapayapa o diplomatikong paraan ang paglutas sa nasabing sigalot.

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site