Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Fri, 27 Jul 2012 01:09:15 -0700 (PDT)
To: f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; LETH NARCISO<lethniey01@yahoo.com>; prquintos@yahoo.com<prquintos@yahoo.com>; Shem Delos Santos<shemjaphetdelossantos@yahoo.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
FLORANTE//////JULY272012
5.7-M backlog sa housing units, inaasahan sa 2016-VP Binay
Inaasahang na ang paglobo ng bilang ng kakulangan ng housing units sa taong 2016 dahil sa paglago ng populasyon ng bansa.
Ayon kay Vice-President Jojo Binay, HUDCC chairman, tinatayang aabot sa 5.7-milyong yunit ng bahay ang kailangang maitayo ng gubyerno sa taong 2016..
Noong 2010, tinatayang may 3.6-milyong units ang backlog sa housing program ng pamahalaang Aquino.
Naniniwala si V-P Binay na malaking maitutulong sa problemang ito ang pagtatatag ng bagong Dept. of Housing and Urban Development(DHUD) na inaprubahan ng senado sa third and final reading nitong Martes.
Inihayag pa ni Binay na ang pagbuo ng DHUD ang maiiwanang legacy ng Pangulong Aquino sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016.
Sa ilalim ng Senate Bill 3199, babawasan na ang taba ng burukrasya dahil isasailalim na lang sa iisang departamento ang trabaho ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).
Inihayag pa ni VP Binay na palalakasin ang adjudication at enforcement sa conversion ng HLURB bilang isang kumisyon.
Naniniwala ang Vice-President na ang pagbuo ng DHUD ay mas makakakuha ng maraming tulong at investment mula sa pribadong sektor.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.