FLORANTE//////JULY272012
SUPORTADO ni senador Gringo Honasan ang pagbo-boycott ng dalawang kinatawan ng kongreso sa Judicial and Bar Council.
Ginawa ni Honasan ang pagsuporta matapos magkasundo ang House at Senate leaderships na i-boycott ang gagawing botohan sa JBC sa July 30, Lunes bilang protesta sa pagkuwestyon sa membership nila sa konseho.
Ayon kay Honasan, tama lang ang pasiya nina Senate President Juan Ponce Enrile at Speaker Sonny Belmonte dahil ipinakita nilang may malaking deperensya o butas sa JBC rules na nagdulot ng kalituhan sa mga miyembro nito.
Kinatigan din ni Honasan ang kahilingan ng dalawang kapulungan na ipagpaliban muna ang botohan hanggang hindi nareresolba ng Korte Suprema ang isyu sa inihaing motion for reconsideration sa naging ruling nito na dapat isa lang ang kinatawan mla sa kongreso.
Sinabi pa ni Honasan na dapat resolbahin muna ng Supreme Court ang isyu sa constitutionality ng pag-upo ni acting Chief Justice Antonio Carpio dahil sa rules ng JBC dapat ang nagpe-preside sa selection process ay mismong Chief Justice.
Nagbabala si Honasan na kapag itinuloy ang botohan sa Lunes at may nahirang na bagong Chief Justice mas malaking problema ang kakaharapin ng Supreme Court.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.