DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Wednesday, July 25, 2012

Fw: senate news

Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular

From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Wed, 25 Jul 2012 04:13:20 -0700 (PDT)
To: f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; prquintos@yahoo.com<prquintos@yahoo.com>; MALOU CABRAL<malourcabral@yahoo.com>; Michael Joe Delizo<mjdelizo@yahoo.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Subject: senate news

FLORANTE//////JULY252012
 
  
BUBUSISIIN ngayong araw ng senado ang paggastos ng bilyun-bilyong pisong pondo ng Dept. of Education(DepEd).
 
Ayon kay Senador Franklin Drilon, chairman ng Senate Committee on Finance, umaabot sa 238.8-B pesos ang pondo ng DepEd ngayong 2012 para masolusyunan ang mga problema sa education sector.
 
Inihayag ni Drilon na gusto niyang marinig mula mismo kay Education Sec. Armin Luistro kung ano na ang progreso sa konstruksyon ng mga school building lalo na sa kanayunan.
 
Sisilipin ng komite kung nagastos sa tama at walang iregularidad sa 17-B pesos na inilaan sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng mga silid aralan.
 
Malinaw umano sa utos ni Pangulong Aquino sa kanyang State-of the Nation Address(SONA) na bago matapos ang susunod na taon ay mauubos na ang 66,800 na kakulangan sa classrooms, gayundin ang mahigit 2.5 milyong backlog sa silya at mahigit 61-milyon kakapusan sa libro.
 
Bukod dito, susuriin din ng senado ang budget para sa hiring ng mga guro na 3.46-B pesos at pambili ng libro na halagang 2.13-B pesos.
 
Sa panukalang 2013 budget, sinabi ni Drilon na dinagdagan ng 22.6-percent ang pondo ng Deped o halagang 292.7-Bilyong piso.
 
 
 
 
 

 
FLORANTE/////JULY252012
 
 
GALIT NA GALIT SI SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE SA HINDI PA RIN MAHINTO NA SMUGGLING ACTIVITIES SA BANSA.
 
DAHIL DITO, PINAIIMBESTIGAHAN NI ENRILE SA SENADO ANG TALAMAK NA SMUGGLING MATAPOS MAKUMPISKA NG SUBIC POLICE ANG TONE-TONELADANG BIGAS GALING SA VIETNAM AT INDIA.
 
SA KANYANG PRIVILEGE SPEECH, IGINIIT NI SEN. ENRILE NA DAPAT TUTUKAN NG KAUKULANG KOMITE ANG PAGSISIYASAT KUNG SINO ANG MGA UTAK, FINANCIER O BACKER AT KASABWAT NA MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN NG MGA SMUGGLER.
 
SA GITNA UMANO NG PANGAKO NG PANGULONG AQUINO NA MAGIGING EXPRTER NA NG BIGAS ANG PILIPINAS, TILA HINDI RAW ITO MANGYAYARI DAHIL PINAPATAY NG MGA SMUGGLER ANG MGA MAGSASAKA.
 
NABULAGA UMANO SI ENRILE SA 90 VANS VIETNAM RICE AT HALOS ISANG LIBONG VANS NG BIGAS GALING SA INDIA
 
TINUKOY NI ENRILE ANG IMPORTER NG MGA BIGAS NA SI DANNY NGO PERO HANGGANG NGAYON AY HINDI PA RIN SIYA NADADAKIP NG MGA AWTORIDAD.
 
IGINIIT NI ENRILE NA HINDI TITIGIL ANG SENADO SA PAG-IIMBESTIGA SA SMUGGLING HANGGAT HINDI NAHUHULI AT NAIPAPAKULONG ANG MGA SANGKOT SA SMUGGLING ACTIVIES.
 
            V C: ENRILE ---175..
 

 
 
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site