FLORANTE/////JULY272012
IBOBOYCOTT ng dalawang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) mula sa Kamara at Senado ang nakatakdang botohan sa Lunes para sa mga contender na isasama sa short list para sa pagka-Chief Justice ng Krte Suprema.
Ayon kay Senador Chiz Escudero, miyembro ng JBC, napagkasunduan ng liderato ng senado at kamara na wala na lang sisipot sa gagawing botohan sa July 30 bilang pagpo-protesta ng dalawang kapulungan sa kinukuwestyong membership nila sa konseho.
Sinabi ni Escudero na ito ang napagdesisyunan sa pulong nila kasama sina Senate Pres. Juan Ponce Enrile, House Speaker Sonny Belmonte, Maj. Leader Boyet Gonzales at Cong. Niel Tupas sa EDSA shangri-la hotel.
Naninindigan ang liderato ng senado at kamara na may karapatan na magtalaga ng dalawang representatives sa JBC dahil sa bicameral ang sistema ng ating gubyerno.
Nilinaw rin umano sa miting na hindi pwedeng isa lang ang maging representasyon mula sa Kamara at Senado dahil magkaiba ang constituency ng mga miyembro nito.
Bukod dito, iginiit din umano nina Enrile at Belmonte na ipagpaliban ang botohan sa Lunes hanggang hindi pa inaaksyunan ng Supreme Court ang iniharap na motion for reconsideration ng kongreso sa nasabing isyu.
Ikinatwiran umano ni SP Enrile na mahaba pa ang panahon bago ang deadline na siyamnapung araw para makapagtalaga ang Pangulong Aquino ng bagong Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.