PINAYUHAN ni SP Juan Ponce Enrile ang mga opisyal ng palasyo ng malakanyang na wag nang isama ang isyu sa hidwaan ng China at Pilipinas sa west phil sea sa SONA ni PNoy sa lunes. Sa kapihan sa senado, sinabi ni Enrile na hindi na kailangang sambitin pa ng Pangulo ang naturang isyu dahil wala namang mapapala ang publiko. Sinabi ni Enrile na dapat ipaubaya na lang sa DFA ang paglutas sa usaping ito upang hindi na uminit pa. Kung ididiskurso umano ng Pangulo ang isyu, wala namang panglaban ang Pilipinas sa Tsina. Ayon kay Enrile, kung gusto umano ng Pangulo na banggitin ang isyu dapat ipag-utos nito na palalakasin ang AFP sa pagbili ng mga eroplano, submarine, kanyon at mga missiles pero hindi pwede ang kwitis. 'Dapat pabayaan na yan sa DFA, trabaho nila yan at wala ring magagawa ang senado dya dahil isyu ito ng foreign relations," ayon pa kay Enrile. Samantala, hindi na nagulat si Enrile sa pagtanggi ng Cambodia na mag-isyu ng joint communique ang ASEAN sa pambubully ng Tsia sa Pinas. Ayon kay Enrile, natural lag na di babanggain ng Cambodia ang Tsina na Tsina tumutulog sa kanila. malakas un at katabi nila ag Cambodia. Kaya dapat pa rin anyang ituloy ang pagdulog natin sa international courts at himukin ang mga kaalyadong bansa na tulungan ang Pinas..
Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
DZRH Live on TV!
To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.
.
Citizen Journalism
DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.