KINUMPIRMA NI PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA NA ISINUMITE NA NG PALASYO NG MALAKANYANG ANG APPOINTMENT PAPERS NI DILG SEC. MAR ROXAS KANINANG UMAGA.
SINABI NI LACIERDA NA UMAASA ANG PANGULONG AQUINO NA AGAD AAKSYUNAN NG COMMISSION ON APPOINTMENTS ANG NOMINASYON KAY SEC. ROXAS PARA MAKAPAG-UMPISA NA ITO NG TRABAHO SA DILG.
AYON KAY SEC. LACIERDA, FULL POWERS NA ANG IBINIGAY NI PANG. AQUINO KAY SEC. ROXAS PARA PANGASIWAAN ANG DILG.
KUNG DATI AY NAGHATI SINA FORMER DILG SEC. JESSE ROBREDO AT USEC RICO PUNO, SINABI NI LACIERDA NA IBINALIK NI PANG. AQUINO ANG KONTROL NI ROXAS SA PNP, BJMP AT BUREAU OF FIRE PROTECTION.
SAMANTALA, HINDI PA NAISUSUMITE NG OFFICE OF THE PRESIDENT ANG NOMINATION LETTER AT APPOINTMENT PAPERS NI DOTC SEC. JOSEPH EMILIO ABAYA, JR. SA C-A.
SINABI NI LACIERDA NA TATAPUSIN MUNA NI CONG. ABAYA ANG PAGTALAKAY SA PANUKALANG 2013 NATIONAL BUDGET BAGO SIYA MAGSIMULANG MANUNGKULAN SA DOTC.
SA KABILANG DAKO, HINDI NAMAN MAKUMPIRMA NI LACIERDA KUNG TOTOO ANG BALITANG NAGBITIW NA SI USEC. PUNO SA PWESTO BAGO PA MAN SUMAKABILANG BUHAY SI SEC. ROBREDO. (Florante Rosales)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.