AMINADO SI PRES'L SPOKESMAN EDWIN LACIERDA NA MAHALAGA ANG PAPEL NG RADYO AT MASS MEDIA SA PANAHON NG KALAMIDAD.
GINAWA NI SEC. LACIERDA ANG PAHAYAG MATAPOS PAPURIHAN ANG MGA TAGA-RADYO SA MABILIS NA PAGPAPAKALAT NG TAMANG IMPORMASYON SA MGA RESIDENTE NA TINAMAAN NG MALAKAS NA LINDOL SA SAMAR NITONG SABADO.
SA PRESS BRIEFING , SINABI NI SEC. LACIERDA NAGPAPASALAMAT ANG PALASYO SA GINAMPANANG PAPEL NG MGA RADYO PARA SA KALIGTASAN NG MGA MAMAMAYAN SA EASTERN SAMAR AT ILANG LUGAR SA KABISAYAAN.
AYON KAY LACIERDA, MAHALAGA ANG MABILIS NA PAGBIBIGAY NG IMPORMASYON SA PUBLIKO NA KAILANGAN NILANG LUMIKAS NOONG SABADO DAHIL SA PANGANIB NA MAGKAROON NG TSUNAMI MATAPOS ANG MALAKAS NA PAGYANIG. (Florante Rosales)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.